18. Will Do

4 0 0
                                    


Ha Yoo's POV

"What just happened?" Tanong ko kaagad pagkapasok namin sa loob ng bahay namin.

Hindi ko talaga ineexpect na mangyayari ito. Grabe lang talaga, 5 oras lang naman kami sa loob ng suit ng Seventeen. Oo masaya dahil yung dinadasal ko na makita at makasama ko ulit na tao ay nangyari ngayon. Pero hindi sa gantong pangyayari yung inaasahan ko.

"What? No one will explain? Huh!" Inis kong sabi hindi pa ako galit dahil kung maaari ayokong magalit sa mga kapatid ko. Ayokong maging dahilan ito ng hindi namin pagkakaunawaan. Dahil alam ko naman na may dahilan ang mga ito at alam ko na iyon. Pero still I need to hear it from them karapatan ko rin iyon bilang nakakatanda sa lahat ng mga ito

"Bakit? Hindi ka rin ba natuwa sa nangyari?" Si Mary Ann na kahit kailan talaga hindi niya matitikom ang bibig kapag hindi na nito makayang itikom ang nararamdamang inis o galit.

I was taken a back sa tanong niyang iyon ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin o isasagot sa tanong ng kapatid ko at ngayon nga lahat ng mga kapatid ko na kanina lang ay tikom ang bibig at nakayuko lang kanina ngayon ay nakatingala na sa akin at ang malala sa lahat mapangasar na tingin ang ibinibigay ng mga ito sa akin.

"M-Mag sitigil nga k-kayo! Hindi kay-" Nabitin sa ere ang mga sasabihin kong palusot ng tumunog ang cellphone ko. Bago ko kunin ang aparato nakita kong biglang sumeryoso ang mga mukha ng mga kapatid ko kaya naman napakunot noo ako.

Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay number lang ang nakaregister pero sinagot ko na rin.

"Hello" Sabi ko habang nakatingin parin sa mga kapatid ko na kanina ay seryoso ngayon ay mapanginis na ang binibigay ng mga itong tingin sa akin. Nakita ko naman si Cezille na kapit na nito ang cellphone nito at sa tingin ko may binasa itong text ngayon lang dahil nakita kong bumubuka ang labi nito.

'Why?' Sabi ko na walang tinig sa mga ito. Pero wala akong sagot na natanggap sa mga ito kahit sa taong tumawag sa akin.

"Inaantok na ako, akyat na ako ha Good night mga kapatid" Si Melanie na tumayo na sa kinauupuan nito at deretsyo sa hagdan.

Nagtataka naman ako sa mga ikinikilos ng mga kapatid ko dahil lahat ng mga ito ay nagpaalam na sa akin na matutulog na kahit sila Cezille dahil gabi na at alam ng mga ito na hindi ako papayag na umuwi sila ng gantong oras kaya naman ready ang bahay naming mga Budang sa mga ito may sari-sariling rin silang kwarto dito.

Lumapit sa akin si Kaya Mae at tinapik ang balikat ko si Nadine naman ay nagheart sign ito sa akin bago umakyat sa hagdan. Ano bang meron at ang mga kapatid ko ay kumikilos ng kakaiba? Ang weird huh. Pero hindi ko na pinansin ang mga iyo at inisip ko na lang na nasa mood nanaman ang mga ito na mangtrip.

Nabalik ang isip ko sa cellphone ko ng biglang may narinig akong mga sigaw na parang may nagkakatuwaan. Pero tingin ko puro lalaki lang dahil wala akong naririnig na boses ng babae.

"Hello!" Sabi ko na medyo malakas na malay ko ba at baka binge ang kausap ko. Isa pang 'Hello' ko dito bababaan ko na ito.

"Hel-" Nabitin nanaman ang sasabihin ng bigla itong umubo pero halata mo na peke.

"Hi" Masiglang boses ang bumungad sa akin at kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakangiti ang LALAKING tumawag sa akin.

Napatingin ako sa itaas ng makanarinig akong may kinikilig. At ayun nakita ko ang mga kapatid ko na ang sabi ay matutulog na pero ang totoo ay inoobserbahan ako. Patago lamang ang mga ito sa ginagawa sa akin kaya naman ibinaba ko ang tingin sa pillow na nasa tabi ko at doon ako nagfocus. Kaya naman pasimple lang ako tumitingin sa mga ito para hindi nila ako mahuli. Nagkunwari pa ako na hindi ko sila nakita o wala akong narinig.

Song WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon