1. Meet the Seventeen

13 1 0
                                    


Ha Yoo's POV

Nakaupo ako sa upuan ko habang naghihintay nang oras sa loob nang classroom. Masyado ata akong napaaga dahil konti palang kami sa loob kaya naman para mawala ang boredom ko nanood ulit ako nang EXO Showtime. Big fan nila ako kahit maraming grupo ang nagkalat jaan wala me pake basta loyal ako sa EXO, at Xiumin hyung is only mine. So back off, hahahahhahaha. (May sira po sa ulo yung writer pagpasensahan niyo na)

Back to reality, nanonood nga ako nang EXO Showtime nang biglang pumasok ang kapatid kong si Eya hindi ko talaga siya kapatid pero tinuring ko na rin siyang ganoon basahin niyo na lang para malaman niyo. Halata naman na Kpop lover din ito pero hindi katulad ko na stick-to-one, multi fandom naman ito. Pagkalapag nang bag nito sa upuan niya lumapit ito sa akin at umupo sa katabi kong upuan na wala pang tao. Nakaarange alphabeticaly kasi yung ayos ng seating arrangement namin kaya medyo may mga space na nakapagitan sa amin.

"Unnie, may bagong boy group na nagdebut" Ang umpisa nito at kinuha ang cellphone nito.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya na ganto ang itsyura ko   -_- hehe. Don't get me wrong, masyado lang talaga 'silang' mapilit na maging multi rin ako katulad 'nila'. Oo tama kayo nang basa ang 'sila' at 'nila' ay ibig sabihin na meron pa akong mga kaibigan na multi rin. Apat kaming magkakaibigan/ magkakapatid na kpop lover pero ako lang talaga ang masyadong loyal.

"Panoorin mo lang Unnie, alam kong magugustuhan mo sila" Ang pagpupumilit pa nito sa akin at iniabot sa akin ang cellphone nito.

"At ano naman ang magugustuhan ko sa kanila?" Tanong ko pa sa kanya pero kinuha ang cellphone nito at tinignan ang nasa screen, Adore U of Seventeen Dance Practice.

"Cute kasi sila, yan din naman ang nagustuhan mo kay Xiumin Oppa di ba?" Sagot nito sa tanong ko at oo umaamin ako na kaya ko nagustuhan si Xiumin hyung dahil sa mataba nitong pisngi, mabait, tahimik at mukhang bata pero pinakamatanda sa grupo nito.

"Fine" Sagot ko na lang dahil alam kong pipilitin lang niya ako hanggat hindi ko napapanood.

Inumpisahan kong iplay ang video at nagulat pa ako dahil ang dami nila tinignan ko ulit yung pangalan nang grupo Seventeen so you mean na Seventeen din ang members nila. Grabe lang ang dami nila huh.

Nang hindi sinasadya na napatingin ako sa lalaki na kulay pink ang buhok ang cute kasi nito. Chubby cheeks katulad ni Xiumin.

'Xiumin sorry na hindi ko sinasadya na magkagusto sa lalaking to' Sigaw nang utak ko at pinokus ko na ang mga mata ko sa lalaking iyon.

"Eya, sino tong lalaking to?" Tanong ko sa kanya nang matapos ang video.

"Ang pagkakatanda ko siya si Woozi pero stage name lang niya yun hindi pa niya true name" Sagot nito sa akin at tinignan ako na may pangasar.

"Gusto mo siya no? sabi ko na nga ba may magugustuhan ka sa kanila eh!" Tanong nito sa akin at pangaasar nito na kinuha ang cellphone nito sa akin at may hinanap sa videos nito. "Predebut nila iyan ang cucute nilang lahat jaan" Sabi nito sa akin at dahil interesado na ako doon sa nakakulay na pink na buhok na Woozi ang pangalan pinanood ko na ang video. Ginigising silang lahat dito sa video and I think it's because they need to prepare for school.

"Siya to?" Tanong ko kay Eya nang makita ko ang kamukha ni Woozi pero kulay itim pa ang buhok nito na lalong nagpacute dito.

"Yup, ang cute niya di ba?" Sagot at tanong nito sa akin na walang pagaalinlangan naman akong tumango sa pagsangayon.

"Tamad niyang bumangon huh, siya ata ang pinakahuling bumangon sa kanilang lahat" Ang pagpansin ko sa video na pinanood ko. "Pero seventeen ba talaga silang lahat?" Tanong ko kay Eya.

Song WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon