Anhiyo
Lahat na ng tao sa kaharian ay natutulog na sa oras na ito. Nagtitimpla ako ng tsaa ng biglang may mahulog. Ang sulat.
Kinuha ko at dinala kasabay ng aking tinimplang tsaa sa aking bangkuan. Ipinatong ko muna ang mainit init ko pang tsaa sa maliit na mesa saka ko binuklat ang sulat.
Nagmamahal Anhiyo,
Maaring sa mga oras na ito ay hinahanap nako ng mga Gweza para paslangin. nawa'y alagaan mo ang anak kong si Phantie na may katangi tanging kapangyarihan. Anhiyo, sya ang nakatakda. Sya ang magdadala ng kabutihan sa mundo. Sya ang magsisilbing sangga laban sa mga masasamang mahikero. At sya, sya rin ang nakatakda. Anhiyo, inaasa ko ang lahat sayo. Nawa'y turuan mo sya ng maayos at gabayan sa kanyang landas na tinatahak. Anhiyo, nawa'y matiis mo ang kanyang magaspang na pag-uugali at di magsawang paalalahanan sya sa kanyang ginagawa. Alam ko bata pa ang anak ko at di pa nya masyadong naiintindihan ang lahat ng bagay bagay.
umaasa ako sayo Anhiyo. Gustuhin ko mang pigilan ang naka tadhana ay di na ito mababago pa.Ang iyong dating estudyante,
SizuHindi ito maari, hindi. Papaanong ang tulad nya lang ang magiging sangga? Papaanong ang walang masyadong kaalam alam sa kapangyarihan,spells at chants ang haharap ng lahat? Hindi, hindi ito maari.
paanong ang isang tulad lang nya ang magiging sangga? Nagbibiro lang siguro sya. Pa iling iling kong tinupi muli ang sulat at ibinalik sa bulsa ko.
Sa ngayon, kailangan ko muna syang maalagaan ng maayos. Hindi pa nya kaya ang mga mahikang taglay ng itinakda.
***
Sumikat na ang araw ngunit tulog na tulog parin si Phan, hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa sinabi ni Sizu, talaga bang ang anak nya ang itinakda o gusto nya lang talaga na ang anak nya kahit hindi naman? Ah basta!.
Tuloy parin ako sa pagkakalikot ng libro na nagsasabi sa mga katangian ng mga elemento ng mahika, mga spells at iba't iba pa.
"Gising ka parin hanggang ngayon tandang Anhiyo? Wow" sarcastic nyang sabi sakin habang nangangalikot sa kusina.
Papaanong di ko man lang naramdaman ang presensya nya. Maari--..
"Anong ulam?" Ang gaspang nga talaga ng ugali nya ni wala pa ngang isang araw syang nakatira sa bahay ay ganyan na sya umasta. Napailing nalang ako.
"Tandang Anhi--"
"Nasa may paanan mo, may maliit na cabinet dyan; tignan mo." Sabi ko habang nakatuon parin ang atensyon sa librong binabasa ko.
"Huh? Wala naman ah! Nilolo--"
"Nandyan nga."
"Pag wala kang nakitang pagkain dyan maari mong gawin ang gusto mo. Pero pag may nakita kang pagkain dyan, kailangan mong ihatid to." Napataas ng kaunti ang kanyang kaliwang labi. Mukhang may naiisip tong masama ah?.
"Tignan mo na." Walang emosyon kong tugon sa kanya.
"Ahh hehehe."
"Ihatid mo ang mga to." Sabi ko sabay kuha sa mga gamot na hinihingi ng mga kaps.
"T-tek"
"Dalian mo."
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...