Phantie
Walangyang Prinsipe; sa damuhan dapat ako nakahiga ngayon hindi dito sa masikip at mabahong kulungan. Sana naman ilang oras lang ang itatagal ko dito.
Lumipas ang ilang oras ay sinindihan na nila ang torch na nagsisilbing liwanag sa kulungan. Tila bumibigat na rin ang mga mata ko. Dahan dahan akong humiga sa Hays na nagsisilbing kama dito at gumawa ng yelong pinalambot para magsilbing unan, ginamit ko rin ang mahaba kong asul na hood para magsilbing kumot ko. Pilit kong iminumulat ang mata kong unti unti ng bumibigay para lang salubungin ang mukha ni Tandang Anhiyo na makakapag palabas sakin dito.
"Phan...phan!" Naalimpungatan ako ng may marinig akong tumatawag sa maganda kong pangalan. Kasabay ng pagdilat ko ng aking mga mata ay syang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko.
Tumingin ako sa labas ng selda ko at ayun sya. Yes!, agad akong tumayo at nilapitan sya kahit nakaharang samin ang matitigas na bakal.
"Makakalabas kana" bungad nya sakin na syang nagpangiti sakin pero sya ay nanatiling walang emosyon ngunit naka taas ang isang kilay. Naku, galit si tanda.
"Kailangan mong magtanda"
"Pero bata pa ko." Pabiro kong sagot sa kanya at sinilayan sya ng ngiting nakakaloko na syang mas lalong nagpataas ng isang kilay niya.
"Makakalaya nako Tandang?"
"Hindi"
"Hindi?! Naka isang araw nako dito ah! Nagbibiro ka ba?" Singhal ko sa kanya. Di pwedeng makulong ang tulad ko sa masikip na kulungan na to!.
"Ibig kong sabihin, oo makakalaya ka pero may parusa." Sabi nya at sumilay ang ngiting di ko gusto.
***
Naka gapos ang mga kamay sa puno at walang sawang binabato ng mga walangyang bata. Great. Really great.
"Sige pa bilis! Hahahaha"
"Kumuha pa kayo ng mga kamatis dali hahaha" sabi ng mga batang enjoy na enjoy sa pagbabato sakin ng kamatis. Ughh. Fuck this life. Ilang oras din ay tumigil muna sila. Yes!.
"Hi miss?" Sabi ng isang lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Err sino ka?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay kahit hindi masyadong halata dahil sa mantsa ng kamatis sa mukha ko.
"Allen" sabi nya sabay abot ng kamay nya sa nakagapos ko namang kamay. Iniabot ko naman ito.
"Phantie" pagpapakilala ko.
"By the way ang lakas mo ah" sabi nya sakin na medyo natatawa tawa pa.
"Yeah right" i said full of sarcasm.
" mamaya na pala, andyan na ang mga kumag." Sabi ko sa kanya na sya namang paglayo nya muna. Bumalik ang mga bata dala dala ang basket na punong puno ng mga kamatis.
Eto na naman.
Walangya, nakalabas nga ko sa kulungan ginawa naman akong tapunan ng mga kamatis.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...