Phantie
"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ng prinsipe sa kawal.
"Opo."
"Tara na't sumugod." Tugon nya sabay kuha sa isang matulis na espada sa lalagyan nito. Mariin nyang minasdan at hinawakan ang tulis nito.
Agad rin akong gumawa ng nagyeyelong espada gamit ang sariling mahika. Sumabay ako sa kanila pero syempre, palihim pa rin ito.
Lumabas na sila sa palasyo at sumugod na rito. Habang ako, narito pa rin nagtatago. Pero kahit ganoon ay mayroon ring sumusugod sa akin na mga Yokai. Nagkakagulo na ang lahat, maging ang mga residente ng Zembes ay di malaman kung anong gagawin kahit may kapangyarihan sila. Sinasabi ko na nga ba.
Habang pinoprotektahan ko ang aking sarili laban sa mga Yokai ay nahuli ng paningin ko si Tandang. Tumango sya sakin at may itinuro gamit ang kanyang nguso.
Tinignan ko kung saan iyon nakaturo, at nakaturo iyon sa isang bola.
Bola? Bola...
Tama! Ang Yokai magic.Agad kong ibinaba ang espadang nakuha ko mula sa namatay na kawal. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, pinokus ang kapangyarihan sa aking mga kamay. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-iipon-ipon ng halu-halong kapangyarihan sa kamay ko.
"Phan!" Napadilat ako sa malakas na pag tawag sakin ng prinsipe.
"Phan, a--ng ang kulay ng mga mata mo..." Dugtong pa nya.
Mabilis akong tumakbo patungo sa gitna ng kaharian. Nang makarating ako ay agad kong itinapon ang Yokai Magic.
Lumikha ang Yokai magic na ginawa ko ng isang malakas na pagsabog. Nasira ang mga pintuan ng mga bahay.
~~
"Phan. Phan..." Nakaramdam ako ng tila may sumasampal sa pisnge ko.
"Phan!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pag sigaw ni...
"Adamson!" Wala sa sariling sigaw ko.
"Anong nangyari? Naging okay ba ang lahat? Tapos na ba?" Dire diretsang tanong ko sa dalawang taong nakapaligid sa akin. Hingal na hingal ako, para bang ilang milya ang tinakbo ko.
Marahas akong hinawakan ni Tandang sa braso ko. "Hinga Phan, hinga.."
"Breathe in, breathe out" dugtong pa nya.
"Okay ka na?" Tanong n'ya.
"O-oo" medyo relax ko ng sagot sa kanya. Naging normal na ang pagdaloy ng paghinga ko.
"Ano na nga?" Tanong ko ulit kay Tandang. Mariin nya akong tinignan sa mata ngunit di ko malaman laman kung ano ba ang nasa isip nya.
"Tapos na Phan, Napatay mo ang mga Yokai." Masungit na sagot sakin ng prinsipe. A curve formed on my lips.
"At?"
"Sinusubukan ng mga mamamayan ayusin ang mga pintuan nila dahil sa nangyari." Mariin akong napangiwi dahil sa kanyang sinabi.
"Kaya ikaw, tayo! Tulungan mo sila." Pinagmasdan ko ang paligid. Narito pa rin pala ako sa gitna ng kaharian, at sumalubong sa akin ang masasama na may ngiting tingin sa akin ng mga residente.
Matapos nyang sabihin iyon ay lumakad na sya paalis sa kinaroroonan ko. Tumayo na ako saka pinagpagan ang likudan ko.
Tumingin ako kay Tandang at isang marahan na tango na may ngiti ang naging tugon nya sakin.
Habang pinagmamasdan ko ang likod ng papaalis ng prinsipe ay di maalis alis ang ngiti sa aking labi.
"Ngayon prinsipe, alipin lang ba talaga ang may karapatan?" Bulong ko sa sarili.
"Ayusin mo na ang sarili mo ng maka-uwi na tayo, baka dumugin ka pa ng mga tao dito." Saad ni Tandang na tinugunan ko naman ng isang ngiti.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasiPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...