Phantie 3: Usap-usapan

99 19 1
                                    

Phantie

Kay aga aga utos agad ang bungad sakin, di man lang ako pinakain muna.

"Ops ops, anong binubusangot mo dyan?" Tanong nya sakin matapos kong padabog na kinuha ang mga gamot.

"Pakialam mo ba tanda." Tugon ko ng di sya tinitignan.

"Umayos kang bata ka huh."

"Oo na oo na" huli kong tugon ko sa kanya bago tuluyang umalis sa bahay.

Ano kaya tong mga gamot na to? Tinignan ko ang isa at mukhang okay naman. Teka, may nakasulat

'Bulag' 'Pipi' 'bungal' ang mga nakasulat.
Ahh gamot to para sa mga nakasulat dito.

"Ineng, tumingin tingin ka naman sa dinaraanan mo." Sabi nung lola na may hawak na stick na nakatutok sakin. Teka, nakatutok sakin? Tumingin ako sa baba at tila malapit na kaming magkahalikan ng lupa. Itinaas nya ang stick at kasabay nito ang pag ayos ko ng tayo.

"Ahh hehehe s-salamat po" pasasalamat ko dito. Wooh malapit na yun ah.

"Ineng magdahan dahan ka bawal pa naman ang--"

"May hahatulan daw ngayon." Sabi nung isang babaeng naka dilaw sa lalaki. "Sino na naman iyan?"

"Yung weirdong lalaki na nakatira sa ilalim ng puno."

"Wala pala syang taglay ni isang elemento?"

"Sabi nila meron, ngunit pina imbestigahan ito ng hari sa prinsipe."

"Ibig sabihin..."

"May m--" Di natuloy ang pag uusap ng biglang may narinig na tunog ng trumpeta. Kasabay ng pagtunog nito ay ang paglabas ng taga siwalat at tumayo sa pinaka gitna ng pabilog na espasyo ng kaharian.

"Pinapaalahanan ang lahat. Lahat ay kailangang maghanda para sa gaganaping paghatol sa lalaking nagngangalang Quis! Yun lamang. Salamat." Sabi nito na nakapag pukaw pansin sa lahat.

Ang mga reaksyon nila ay tila ba nasasayahan, natatakot. Bakit sila sasaya eh may mamamatay na nga eh. Abnormal ba tong mga to?.

Inihatid ko na ang mga gamot na pinapadala ni Tandang Anhiyo. Mahirap hirap din dahil ang iba ay di muna tinignan ang instructions kaya napapakamot nalang sa batok.

Phantie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon