Phantie
Matapos kong lakabayin ang ilang bundok ay tanaw ko na rin ang kaharian. Ang kaharian ng 'Zembes'
Nandito na naman ako uli sa kaharian na puno ng mga mahikero at makiherang ngunit di kayang kontrolin ang kapangyarihan nila.
Dala dala ang backpack ko na may laman ng mga kailangan ko ay iniayos ko muna ito sa aking likod at nagsimulang maglakad papunta sa kaharian.
Bumungad sakin ang naglalakihang gate na bantay sarado ng mga gwardya. Yumuko ako sa kanila bilang galang.
Pag pasok palang sa kaharian ay masasabi kong kahit papaano ay maayos na ito di tulad nang dating nakapunta ako dito.
Pabilog ang espasyo ng lugar ngunit di maipagkakaila na malaki laki ito. Kung tutuusin lahat yata ng mga tao dito ay abala. May mga babaeng nagsasampay gamit ang mahika. May mga lalaking gumagawa ng mga gawain gamit ang yelo,apoy,hangin,tubig,lupa at iba'ibang elemento.
Agad kong pinuntahan ang dati naming bahay. Maliit lang ito kung ikukumpara sa iba ngunit matibay naman. Kumatok muna ako ng tatlong besses.
Pagkatapos kong kumatok ay may nagbukas dito. Isang lalaking may edad na ngunit kitang kita parin ang sigla nito. Sa suot palang nito ay masasabi ng batikan at maimpluwensya ito.
"zien bou yam? (Sino yan?)" Bungad nyang tanong sakin. Tinignan nyang maigi ang kabuoan ko at ngumiti sakin na tila ba ay kilalang kilala nya ko. "Ohh ikaw pala yan Phan." Dugtong nya sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Ahh hehehe"
"Halika tuloy ka" pag aanyaya nya sakin. Ang kalat ng bahay, malinisan nga to mamaya.
"Pasensya na ah makalat ang bahay. Ooo--ps" Dugtong pa nya sabay salo sa vase na nasagi nya.
"Sino ka nga pala?" Tanong ko sa kanya hawak hawak ang mga aklat na nakapatong patong sa maliit na mesa. Book of spells.
"Anhiyo "
"Anhiyo lang?"
"Puro ka tanong pumunta ka nalang sa kwarto mo." Naiiritang tugon nya. Napa hagikhik nalang akk dahil sa pagbabago nya ng mood.
"Teka, paano ko malalaman kung saan ang kwarto ko dito?"
"May nakasulat sa pinto" Tugon nya habang iniaayos ang mga nagkalat na mga gamit. Nakasulat sa pinto? Wala naman ah.
"Niloloko mo ba ko?"
"Hindi" diretsang sagot nya. "Tignan mo uli." Dugtong pa nya at gumamit na nga sya sa pag aayos ng mga gamit.
Tinignan ko uli ang dalawang pinto at may nakasulat na nga. Teka, kanina walang sulat to ah?.
'P' yan ang nakalagay sa pinto. Agad ko itong binuksan at pumasok. Ang kalat. Sobrang kalat. Pumalakpak ako at biglang boom! Ayos na.
Agad kong pinaubaya ang sarili ko sa kama at hinayaan na lamunin ako ng antok. Ngunit, makalipas ang ilang segundo...
"Ang sulat!" Napabalikwas ako ng bangon at agad na hinanap ang sulat na ipinadala ni Ina.
"Ayun!" Sabi ko at tuluyang linisan ang kwarto. Agad kong hinanap si Anhiyo, naroon sya. Nagbabasa ng mga libro.
"Anhiyo, bigay nga pala ni Ina, sabi nya ibigay ko raw ang sulat sa taong bubungad sa akin sa dati naming bahay dito." Sagot ko at tuluyan ng bumalik sa kwarto ko.
Ngayon, tingin ko ay wala nakong nakalimutan pa para kay Tandang Anhiyo. Pinaubaya ko na naman uli ang sarili ko sa kama.
Bagong bahay, bagong buhay Phan
Bulong ko at tuluyan ng pumikit.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...