Phantie 15: Alipin ka lang

31 9 0
                                    


Phantie

Patuloy parin ako sa pagpapa kintad ng kanyang mga sapatos.

"Tapos ka na ba?" Tanong nya sakin, kung pwede ko nga lang itapon itong mga sapatos sa kanyang mukha ay matagal ko ng ginawa. Di ko pinansin ang kanyang sinabi at nagpatuloy nalang sa ginagawa.

"Psst."

"Dalian mo."

"Ang tagal naman.."

"Kailan ba matatapos yan?"

"Tssk n--" di ko na maatim pa ang kanyang pinagsasabi; marahas akong tumayo at hinulog ang trapo sa sahig. Pinokus ko ang aking sarili at unti-unti nararamdaman ko ang kapangyarihan sa aking palad.

Mataimtim akong tumitig sa kanya, at isang nanlalaking mata at gulat ang tanging nakita kong reaksyon mula sa kanya.

"Anong---"

Marahas kong itinapon ang nabuong kapangyarihan sa kamay ko sa paanan nya. Prinotektahan nya naman ang kanyang sarili gamit ang panangga malapit sa kanya. Ang nagawa kong Yokai magic ay hindi katulad kanina na isang bilog lang na kapangyarihan ngunit ang isang ito ay nakapaloob sa yelo.

May sasabihin pa sana sya ng biglang may pumasok na kawal sa kwarto. Parehas kaming napalingon sa kawal na may kakaibang tindig.

"Kamahalan, sumugod na naman po ang mga Yokai." Saad nito sa prinsipe.

"Sige, susunod ako. Ihanda ang mga armas at panangga." Tugon nya naman.

Hahakbang na sana sya paalis sa kanyang kwarto ng pigilan ko sya.

"Sandali, sasama ako." Saad ko sa kanya ngunit mapaglarong ngiti ang kanyang itinugon sa akin.

"Alipin ka Phan, Alipin." Diin nyang sagot sakin.

"Ngunit di ibig sabihin na pag ika'y alipin lang ay wala ka ng kakayahang ipagtanggol ang iyong tahanan." Makahulugan ko namang sagot sa kanya. Sana ay pumayag sya, sana...

"Hindi." Sagot nya. "At kahit kailan, hinding hindi magiging kawal ang isang alipin." Dugtong pa nya at tuluyan ng umalis kasabay ang kawal.

"At hindi rin sa lahat ng oras ay makakaya ng isang kawal o prinsipe na ipagtanggol ang kanyang sariling tahanan." Bulong ko sa sarili.

Hindi pwedeng pumirme lang ako dito sa kwarto ng isang mayabang na prinsipe. Agad akong sumunod sa dalawa kung saan man sila paroroon.

"Tandaan mo Prinsipe Adamson, ipapamukha ko sa'yo na hindi lang ako basta bastang alipin lang; Kaya mo nga ako kinuha bilang alipin ng prinsesa diba? Dahil malakas ako." Saad ko sa sarili habang palihim silang sinusundan.

Phantie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon