PhantieSimula nang maging alipin ako ng prinsesa ay halos sa palasyo na ako nakatira at dahil dun ay napansin ko ang pagkakaiba ng personalidad ng prinsipe at prinsesa kahit na magkapatid sila. Kung ang prinsip ay mayabang,mitikuloso at pala-utos, ang prinsesa naman ay mabait ngunit may pagka misteryoso. Nalaman ko ito nang minsang maiwan kaming dalawa ng prinsesa sa silid nya.
Akala ko nung una ay palalabasib n'ya ako ngunit imbis na palabasin ay kinausap nya ako.
Matapos ang pangyayaring iyon ay iniimbitahan nya na kami,ako sa mga okasyon na nagaganap sa palasyo.
"Phantie! Phantie!" Nabalik ako sa aking ulirst nang tawagin nya ang pangalan ko. Si Prinsesa Mina.
"Bakit Prinsesa? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Tanging tango naman ang kanyang sagot sa akin.
Kitang kita sa kanyang asul na mata ang pangangamba. Kinapkapan ko ang kanyang magatbong kasuotan, nagdadasal na sana ay walang nangyari sa kanya.
Marahas nyang hinawakan ang aking mga braso at dahan dahang itinapat ang aking mukha sa kanya.
"Ang kaharian Phantie." Sabi nya sakin gamit ang kanyang gargal na bosses. " unti unting nawawasak," dugtong nya na sya namang nagpabilog lalo ng aking mga mata. Nanlambot ang aking mga tuhod na nakapag pawala ng lakas sa akin. Unti-unti namang kinain ng katahimikan ang silid.
"Phantie!" Sabay kaming napalingon sa matandang iniluwa ng pinto. Si Tandang Anhiyo. Kahit hinihingal pa sya ay lumapit sya sa amin at kinuha ang braso ko. Wala sa sarili akong nagpahila nalang sa kanya.
Yumuko muna si tanda bago namin tuluyang nilisan ang kwarto.
"Paalam." Tanging sambit ko sa prinsesa bago tuluyang magsara ang pinto.
***
Nang makauwi kami sa bahay ay agad nyang binitawan ang aking braso. Sakit, ang tangi kong naramdaman sa aking braso nang bitawan nya ito, para bang hinawakan ako ng nag aalagablab na apoy. Nilunasan ko ang sakit sa pamamagitan ng paglalagay ng konting yelo dito.
habang nilulunasan ko ang aking braso ay sya namang pangungulikot nya sa kanyang magulong aklatan.
"Tanda, anong hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ito." Sagot nya mula sa kanyang nakapagulong aklatan.
Agad syang lumapit sa akin at inilahad ang libro, kasaby nito ang paghilom ng aking braso st pag-gaan ng aking pakiramdam.
Agad ko naman itong tinanggap.
"Anong gagawin ko dito?"
"Kailangan mo yan dahil magsisimula na.", tugon nya na hindi man lang sinasagot ang tanong ko.
"Anong magsisimula?"
"Ang iyong pagsasanay" sagot nya.
Samantala
" Mahal na hari." Bungad ng kakapasok lamang na kawal sa silid kainan ng hari, kasama nitong kumakain ang matandang nag aanyong magandang prinsesa.
"Ano iyon?" Tugon nya at ininum ang wine mula sa gintong wine glass.
"Ang mga tao, unti-unting nawawala." Sagot ng kawal na sya namang nakapag pangiti sa matanda.
Kahit suot-suot ng kaw ang armor na may tatak ng simbolo ng kaharian at nakatabon ang mukha nito ng proyejsyon sa ulo ay kita parin ang kagustuhan nitong isiwalat sa hari ang nalalaman.
"Hanapin ang salarin, tawagin ang prinsipe para makapag ronda sa kaharian." Utos nya sabay dikit ng mga palad na syang ginawang pang supptta sa nang gagalaiting mukha ng hari.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...