Habang mahimbing na natutulog ang lahat ay abala naman ang matandang babaeng nag ala prinsesa.
Palihim s'yang kumuha ng kabayo para sakyan at tuluyang umalis sa kaharian.
"Brezum dezum timog efu!" Bigkas nya na s'yang nakapag palaho sa kanya.
Pagmulat ng babae ng kanyang mga mata ay nasa disyerto na sya. Matamis na ngiti ang naitugon nito at bumaba sa kabayo.
Muli, inilatag nya ang kanyang mga kamay sa buhangin ng disyerto. Disyerto ng Memen o mas kilala bilang disyerto ng mga suwail.
"Mezum bregunda magsibangon kayo!" Sabi nya ng paulit-ulit, nakakalokong ngiti ang tanging suot ng babae habang unti unting may bumabangon mula sa buhangin.
"Magsibangon kayo!" Sabi nya sabay taas ng dalawa nyang mga kamay. mala demonyong halakhak lamang ang maririnig sa paligid at ang mahinang mga ungol ng mga taong unti unting bumabangon mula sa buhangin.
"Tama iyan, tama." Sabi nya ulit habang di inaalis ang demonyo nitong ngiti.
Nang makabangon na ang higit sa isang daang mga bangkay na buhangin ang itsura ay kusa itong naglakad papunta sa isa pang kaharian. Ang kaharian ng Cames.
"Bigyan nyo naman sila ng pa welcome." Saad nito sabay turo sa kaharian na sya namang sinunod ng mga halimaw na gawa sa buhangin.
Hiyawan at iyakan ang maririnig sa kaharian.
"Ganyan nga mga Fenzo! Maghasik ng kadiliman!" Saad nito at isa isa namang nagsilabasan ang mga Fenzo na puno ng dugo ang kanilang mga labi.
"Magpahinga muna kayo dahil bukas na bukas makakain na naman kayo!" Saad nya at humalakhak na naman na parang demonyo.
"O sya, Mezum bregunda bumalik sa pagtulog." Chant nya na syang nakapag palaho sa mga buhangin na bangkay.
"Pahinga muna kayo dahil kinabukasan ay araw na naman ninyo!" Saad nya at pumunta na sa kanyang kabayo. Sumakay sya rito na may ngiti sa kanyang labi.
"Humanda ka Haring John Dragonda." Huling saad nya at tuluyan ng umalis sa disyerto.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...