Samantala
Sa kaharian ng Imposo ay may babaeng nagsusuklay ng kanyang mahaba ngunit makulot na buhok. Mag isa lamang sya sa kanyang kwarto ngunit naka bantay naman ang mga kawal sa labas ng kwarto nya. Habang nagsusuklay ng buhok sa ibabaw ng kama nya ay tila nakaramdam sya ng tila ay may nagmamasid sa kanya. Napataas ang kanyang balahibo ngunit sa isip isip nya ay 'kawal lang yun'.
Nakaramdam sya ng mahinang pagkaluskos na syang mas ikinabahala nya ngunit mas nangibabaw parin ang nasa isip isip niya.
"Prinsesa Jewel, matulog na daw po kayo" biglang sabi ng isang kawal sa kanya na syang ikinabigla nya, nahulog pa nga nya ang kanyang suklay nang marinig nya ang bosses ng kawal.
"Oo, matutulog na. Alis." Sagot nito at tuluyang umalis na nga ang kawal at bumalik sa pagbabantay sa labas ng kwarto ng babae.
pagkalabas ng kawal ay agad na yumuko ang babae para kunin ang nahulog na suklay. nang maabot nya ang suklay ay may bigla na namang sumulpot, isang matandang babaeng may hawak na pantusok at manikang gawa sa tela.
"S-sino ka?" Tanong nya sa matandang babaeng may demonyong ngiti at may hawak na manika at pantusok.
"Ako ang karma mo." Sagot ng matanda at tuluyan ng ginamit ang pantusok. Tinusok nya ang ulo ng manika ng tatlong besses na sya namang nag paghiga sa prinsesa.
Umupo ang matanda sa kama sabay cast ng isang spell na di mawari ay malakas.
"Vrenum dri bezum mapa sa akin ang iyong pagmumukha" at tuluyan nang nagbago ang anyo ng matanda. Mula sa anyong matanda ay unti unti syang nagbago. Ang anyo at itsura ng babae.
Kumuha sya ng salamin para tignan ang sarili ngunit ang nakita nyang repleksyon ay ang makunot nyang mukha. Ngunit sa kabila nito ay nagpakawala parin sya ng isang ngiti.
Pagkatapos ng gabing iyon ay lumuwas ang prinsesa kasabay ng mga kawal sa dapit dilim at pumunta sa kaharian Zembes.
Sinalubong sya ng mga nakalinyang kawal papasok sa kaharian sakay ang puting kabayo. Pagbaba ng babae ay sumilay muli ang pilyang ngiti sa kanyang labi.
Pagpasok nya sa sala na kung saan naroon ang hari ay sinalubong sya ng masiglang ngiti ng hari. Nagyakapan sila at nagpakilala sa isa't isa. Pagkatapos ay iginayo na sya ng hari sa kanyang silid, muli sumilay na naman ang pilyang ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...