Phantie
"Phantie kailangan mo na magsanay as soon as possible." Sabi sakin ni Tandang ng maisara nya ang pinto.
"Kailangan ko pa ba talagang magsanay? Bihasa na naman ako." Sagot ko sa kanya na may ngiti sa aking labi.
"di tayo pasisigurado Phan." Sagot nya naman. "Magbihis ka na." Dugtong nya.
"Nakabihis na ako Tandang " sagot ko. Tinignan pa nya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi yan ang tamang kasuotan na dapat mong suotin."
"Hindi?, eh anong isusuot ko?" Tanong ko sa kanya.
"Eto." Sabi nya sabay abot sakin ng isang damit.
"P-pero!"
"Hush, wala ng pero pero. Suotin mo na yan at sumunod ka sa akin." Sabi nya sabay alis. Yun na yon?.
Tinignan ko ang nakatuping damit. Isang iyong white long sleeves,black jeans at isang brown boots.
Kinuha ko iyon at sinuot. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maayos naman, ang ganda ko tignan.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang black hood ko at tuluyan ng umalis.
***
"Kanina pa kita hinihintay." Aniya ng makarating ako sa kinalalagyan nya.
"Patawad, ano na?" tugon ko sa kanya.
"May ipapakita ako sayo." Sabi nya na sya namang nakapag pa kyuryos sa akin.
Marahan nyang ipinormang bilog ang kanyang kamay, at pumikit.
Nanlaki ang aking mga mata ng may unti-unting lumiwanag ang kanyang kamay. Itinaas nya ang kanyang kamay at itinapon ang bilog na liwanag. Sumabog, at ng mawala ang mistulang usok ay nilapitan ko kung saan nya banda itinapon ang liwanag.
Nang tignan ko iyon ay may hukay na nagawa. Isang malalim na malalim na hukay.
"Wow." Sabi ko.
Agad akong tumungo sa kanya. Naka cross arms syang tumingin sa akin.
"nais mo bang matutunan yon?" Tango ang isinagot ko sa kanya.
"Alam mo ba kung anong klaseng mahika iyon?" Tanong nya. Iling naman ang naisagot ko.
"Iyon ang Yokai Magic." Saad nya.
"Yokai magic..." bulong ko.
"Ang Yokai Magic lang ang tanging makakatalo sa mga Yokai kaya habang may oras pa ay dapat mo ng matutunan ang magic na iyon." Dugtong nya pa.
"Simulan na natin."
---
Hi! Kung may silent reader po dyan, labas po. Wanna know..
Read and comment yun lang!.
Lovelots.
- PoisonousGin
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...