Phantie
"Tandang Anhiyo! Alis muna ako" sabi ko kay tandang habang bitbit ang bag ko.
"At saan ka naman pupunta aber?" Taas isang kilay nyang sagot. Napa tigil ako saglit saka ngumiti sa kanya.
"Sa lugar ng mga gwapo." Pabiro kong sagot sa kanya, tanging iling naman ang naging tugon nya sa sagot ko kaya agad akong umalis at nagtungo sa gubat.
Sana naman sa pagkakataong ito ay di na sya susulpot. Wag ka ng umasa Phan, masasaktan ka lang.
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga saka iwinagayway ang kumpas ng aking mga kamay. Di ko alam kung bakit ko ginagawa to pero ang alam ko lang ay para makapagsanay ako dahil may darating...
Sa ginawa kong kumpas ay may lumabas na sangkaterbang tubig. Pumorma ako ng Bow gamit ang tubig saka pinatigas ito. Gumawa rin ako ng pana na nilagyan ko ng lason kung sakali man ay may dumating na kaaway at sugurin ako.
gumawa rin ako ng malalagyan ng pana saka inilagay ang mga panang may lason na ginawa ko. Kumuha ako ng isa at pumorma, kumuha ng tamang anggulo. Kasabay ng pagpakawala ko ng pana ay syang pagsulpot na naman nya...
"Ano na namang kailangan mo huh?" Tanong ko habang nakapamewang.
"Ako ang prinsipe."
"Oh, tapos?"
"Umalis ka dito."
"At bakit?"
"Ang daming tanong, umalis ka nalang." Ma awtoridad nyang sagot sakin. Ba't ba nya ko pinapaalis? Nababaliw ba sya?.
"Eh sa a---" di ko naituloy ang sasabihin ko ng may biglang sumulpot na malaking hayop sa likod ng prinsipe. Di lang ito basta hayop, mahirap tantsahin kung anong klase ito dahil sa pisikal nyang anyo na may mukhang agila, katawan ng kabayo,pakpak ng anghel.
Dali dali akong kumuha ng pana sa likod ko at itinira sa hayop. Natinag naman ito at umalis nalang. buti naman.
"Oh, papaalisin mo pa ba ko?" Tanong ko sa kanya habang naka cross arms.
"Hindi na." Sagot nya, " wala man lang bang thank you?" Dugtong ko pa at ngumiti sa kanya.
Aasarin ko pa sana sya ng may bigla na namang sumugod. Di lang isa, marami sila. Napababa mula sa kabayo ang prinsipe at nilabas ang matulis at makintab nyang espada.
Tumabi sya sakin at nagtalikudan agad kami ng biglang sumugod ang dalawa, sinagang ko ito gamit ang nagyeyelo kong espada.
"kaya mo ba?" Mapang asar nyang tanong sa akin.
"Malamang." Pabalang na tugon ko at muling itinuon ang sarili sa nang gagalit na mga hayop.
Isa-isa silang sumulong sa amin na sinagang ko naman ng nagyeyelong espada.
Kung kanina ay pa tapik tapik lang ang ginagawa nila, ngayon ay sumusugod na talaga sila.
Hinampas ko ang aking espada na syang nakapatay sa kanila."Magaling ka ah." Manghang saad nya sakin.
"Naman." Tugon ko naman na may ngiti sa aking labi.
"What if..." sabi nya habang papasakay sa kabayo.
"Ano?" Tanong ko.
"Maging alipin ka ng kapatid ko." What the hell!.
"total naman magaling ka, malakas tamang tama lang." dugtong pa nya.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...