Tandang AnhiyoAng lahat ay nagbunyi dahil sa pagtatapos ng unos na nanyari sa kaharian. Nagpahanda ang hari ng sandamakmak na pagkain para sa salu-salo. Sa kabila ng saya ng lahat ay naroon lang s'ya, malayo layo sa napakaraming pagkain sa hapag.
Prenteng nakaupo habang hawak hawak ang isang red wine sa kamay nito. Pinagmamasdan nya lang ang red wine sa baso.
Di ko mawari kung ano ang naiisip nya sa kabila ng lahat ng ito.Ibinaba ko muna ang baso na hawak ko sa mesa, kumuha ng plato at nilagyan ito ng sandamakmak na pagkain.
Dahan dahan akong lumapit sa kan'ya dala dala ang mga pagkain na dala ko.
"Bah" gulat ko sa kanya ngunit tinignan nya lang ako ng ilang segundo at muling ibinalik ang atensyon sa hawak n'ya.
"Tandang, palagay ko di pa dapat tayo nagbunyi dahil sa nangyari." Biglang saad nya sa kawalan.
Ibinaba ko ang plato na may pagkain sa mesa at mariin syang tinignan sa mata.
"Bakit?" Tanong ko sa kan'ya ngunit kibit balikat lang ang tugon nya sakin.
"May pupuntahan lang muna ako tandang." Walang ganang saad nya, nginitian ko s'ya ngunit isang pekeng ngiti naman ang naging tugon nya.
"Bakit?..." Tanong ko sa sarili at dahan dahan nalang inubos ang pagkain sa plato.
~~
Phantie
Di ko maatim na nagpahanda ang hari dahil sa nangyari, di pa tapos! Di pa tapos ang unos na aming dinaranas...
Umalis ako sa handaan sa palasyo at lumayo muna sa kaharian.
Sumakay ako sa kabayo paalis sa kaharian. Kahit ilang milya na ang layo ko ay dinig na dinig ko parin ang tugtugan at kasiyahan sa kaharian na tila ay walang makakapigil sa kanila.
Pinahinto ko ang kabayo ng may makita akong ilog sa daan. Pinagmasdan ko ang paligid, napaka peaceful ng lugar at tanging tunog lang ng mga hayop sa kalikasan ang maririnig.
Uupo na sana ako sa isang tabi ng may bigla kong natunugan na may paparating. Mabibigat ang mga yabag ng kabayo, agad akong nagtago sa mayayabong na damo.
Nang maramdaman ko na makababa na ang kung sino mang iyon ay isiniksik ko talaga ang aking sarili sa damo.
Agad agad syang pumunta sa harap ng ilog at nagpalinga linga pa. Pamilyar sa akin ang kanyang postura maging ang kanyang suot na damit.
"Ves ros bhe!" Saad nya habang nakataas ang kanyang kamay, tila ba ay may tinatawag ito.
Inulit ulit nya ito hanggang sa may lumabas sa tubig na isang espada. Ang kintab, maging sa malayuan ay kapansin pansin parin ito. At sa itsura palang nito ay kitang kita na matulis ito.
Humalakhak sya na para bang sasakupin nya ang mundo, na tila ay magtatagumpay sya.
Nang makuha na nya ang espada ay mabilis itong bumalik sa kanyang kabayo, di ko makita ang kanyang pagmumukha dahil natatakpan ito ng kanyang hood.
Nang maka layo ito ay tahimik ko s'yang sinundan. Habang sinusundan ko s'ya ay di ko talaga mawari kung saang kaharian sya galing, ngunit ng mapansin ko ang daang tinatahak nya ay inihinto ko ang aking kabayo.
Hindi, papunta sya sa kaharian ng Zembes. Mabilis ang kabog ng aking puso habang minamasdan ang likod ng papaalis na babae na may dalang espada.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...