Phantie
Nagbibiro ba sya? Ako? Magiging alipin lang ng isang prinsesa?! What the hell! Naglakbay ako ng ilang milya tas eto lang magiging bagsak ko?! Alipin!.
"Ayoko" diretsang sagot ko sa kanya.
"Bakit? kung ayaw mo maging alipin ng kapatid ko..." tugon nya naman sakin. Nakapamewang akong humarap sa kanya at ipinagkrus ang mga kamay ko.
"Ano?"
"maging alipin nalang kita." Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi nya. Seryoso talaga sya?!.
"Ayoko, A-YO---"
***
"Bitbitin mo to." Nakakalokong utos nya sakin habang ngingiti ngiti. Ano nalang sasabihin sakin ni tandang? Naku nalang talaga.
"Oo na,meron pa ba?." Tanong ko sa kanya habang pilit na isinasaayos ang mga pinapabitbit nya. "Sabihin mo na, ang bigat na kaya!" Dugtong ko pa at tanging nakakalokong ngiti lang ang naging tugon nya sakin.
'Letseng buhay to.' Bulong ko
"Anong sinabi mo?"
"Wala wala, may dadalhin pa ba ako?" Tanong ko sa kanya habang sinusundan sya sa paglalakad.
"Wala." Tugon nya sabay hinto. Anong nangyari?, "sundan mo lang ako." Dugtong pa nya at patuloy na naglalakad.
Anong meron? Parang may kakaiba sa kanya o ako lang talaga tong ewan?.
pagkatapos ng pag uusap namin patungo sa kung saan ay pumasok kami sa isang malaki at magarbong bahay, hindi, palasyo pala.
Binuksan ng mga kawal ang pinto at yumuko sa kanya nang makadaan kami. Prinsipe nga naman.
Lumakad kami sa mahaba habang daanan, sa bawat parte ng palasyo ay may mga maids na naglilinis. Hanep talaga!.
Lumiko siya ng daan at may pinto na naman. Binuksan nya ito ng walang katok katok.
"Ano b--" rinig ko mula sa labas ng pinto. Sino kaya ang nasa loob? Ang prinsesa? Hari?. Naputol ang pag-iisip ko ng bigla nya kong tinawag.
"Alipin." Alipin talaga? Langya talaga ng prinsipeng to.
dahan dahan akong pumasok para di mahulog ang mga dala kong kumot at kung anu-ano pa. Binuksan ko ang nakausling pinto gamit ang isang paa ko.
"Ano y--" di ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko sya, yung lalaking nagpakilala sakin kahit na nasa alanganing sitwasyon ako.
"Oy Phan, ikaw pala yan" bungad nya sakin pag pasok ko kasabay ng isang masayang ngiti. inilibot ko ang paningin ko at ang lawak ng kwarto, malaki ang kama at malinis.
"Bakit moko tinawag mister?" Tanong ko sa Prinsipe pagkatapos kong ilapag ang mga pinabitbit nya.
"Sya ang magiging bago mong alipin Ana." Sabi nya habang nakatingin sa magandang prinsesang kasama namin sa kwarto. "Okay." Diretsang sagot nya. "Allen, sumama ka sakin ikaw ang magiging bago kong alipin." dagdag pa nya. yumuko naman ng bahagya si Allen at sumunod sa papalayong prinsipe.
Tsk, ano ng gagawin ko?.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...