Phantie 5: Prinsipe Adamson

73 17 4
                                    

Phantie

Hanggang ngayon di ko parin maisip kung bakit dahil lang sa wala syang kapangyarihan ay hinatulan na agad ng kamatayan. Ganoon na lamang ba ang pandidiri o pagbaba ng tingin nila sa mga taong gaya nya?.

"Tandang Anhiyo, libot muna ako." Paalam ko kay Tandang walang ibang ginawa kundi magkape,magbasa at maghalo. Ibinaba ko muna ang kutsara at nilinisan ang natitirang mumog sa bibig ko.

"Sige,bilisan mo at wag maghahanap ng away." Sigaw pa nyang tugon sakin habang papalayo sa kanya.

Palakad lakad lang ako dito sa kaharian. Tila di natatapos ang gawain ng ilan samantalang ang iba naman ay abala sa paghahanap buhay. Ano bang magandang gawin ngayon? Hmmm.

Sa pagkaka alam ko kay malaking espasyo ng gubat dito. Dun nalang!.
Sa gitna ng paglalakad ko papaalis sa magulo at maingay na kaharian ay natanaw ko na rin ang gubat. Nang makarating ako sa gubat ay tila di maipagkakaila ang ganda nito.

Nilibot ng paningin ko ang kabuoan ng gubat. Maaliwalas ito at ang sarap magtayo ng kubo dito. Ginamit ko ang kamay ko para gumawa. Unti unti kong binuo ang kubo pero di iyon natuloy at biglang nawasak ng may panang tumama sa laylayan ng damit ko. Fuck sinong putang ina ang gumawa nun?.

tinalasan ko ang aking mga mata at sa pagkakataong ito, nakita ko na kung sino ang may gawa.

"Hoy sino ka inutil na tumira sa akin!" Sigaw ko habang di parin iniaalis ang tingin sa parte ng gubat kung saan naroon sya.

Unti unti syang lumabas sa pinagtataguan nya bungad ang isang ngiting pang-asar.

"Sino ka?" Tanong ko habang inihahanda ang isang kamay ko pang atake sa kanya.

"Ako?"

"Hindi, sya sya" pabalang kong sagot sa kanya at ipinukol ang ngiting tagumpay ko.

"Ako si Prinsipe Adamson." pagmamalaking sabi pa nya

"Wehh? Kung talagang prinsipe ka nasan ang mga kawal mo?" tugon ko sa kanya at tinanggal ang panang nakapag patigil sakin sa pag gawa ng kubo.

"Nandito." Unti unting naglabasan ang mga kawal nya.

"Ang bibig mo magandang binibini" dugtong pa nya kaya naisarado ko agad ang bibig ko, kasabay nito ang pag pukol nya ng pang-asar na ngiti sakin.

"Vrezum dum de" pabulong kong cast ng spell para maging dahilan ng pagkadapa nya sa lupa. Nice, muli nagtama ang aming mga mata pero sa pagkakataong ito ako naman ang nakangiti.

"Kawal! Arestuhin sya" bakit? Wala naman akong ginawa ah, ang babaw ng prinsipeng to.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Tanong ko habang pilit na kumakawala sa kamay ng mga kawal. "Di pag respeto sa nakakataas, pag gamit ng mahika sa nakakataas" diretsang sabi nya habang nakangiti. Letse tong lalaking to.

Kaya ang bagsak ko ngayon ay sa kulungan imbis na sa madamong lupa ng gubat.

Phantie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon