Anhiyo
Sa tingin ko eto na ang takdang oras, nagsimula na.
"Pagsasanay? Anong pagsasanay ang sinasabi mo Anhiyo?" Tanong nya habang nakakunot ang uno.
"Pagsasanay." Ulit ko.
"Tandang, pumunta ako sa kaharian na ito para magbakasyon, pansamantala." Tugon nya naman. Kitang kita sa kanyang mata na takang taka sya sa sinabi ko.
"Magbakasyon?"
"Ano bang sinabi ng iyong ina bago ka pumunta sa Kaharian ng Zembes?" Dugtong ko.
napatigil sya at tila inaalala ang lahat lahat bago sya makarating sa kaharian. "Ahmmm...." saad niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Pinapunta ako dito para magbakasyon, yun yon." Matikas nya namang sagot sakin.
ngingiti ngiti akong napailing dahil sa sinabi nya, kung ganoon hindi pala n'ya sinabi ang dahilan sa kanya.
"Hindi ka pinapunta dito para magbakasyon Phan." Diretsang saad ko sa kanya.
"Hindi, nagkakamali ka." Tugon nya, napa iling iling pa sya dahil sa kanyang naisip.
"Nagsasabi lang ako ng totoo Phan." Saad ko uli. Dahan dahan akong pumunta sa may cabinet at kinuha ang libro.
"Teka nga Anhiyo, bakit mo ba sinasabi yan huh? Nababaliw ka na ba?" Tanong nya sakin. Napakunot ang noo ko dahil sa naituran nya. Walangyang bata to.
"Sinasabi ko ito dahil ikaw ang naka takda, at ngayon ay oras mo na." Seryoso kong sagot sa kanya. Maaring sa ngayon ay akala nya ay nagbibiro lang ako at walang katuturan lahat ng sinasabi ko.
Kahit anong sabihin o gawin ko, di ko na ito mapipigilan pa. "Ha-ha-ha-ha" sarkastiko nyang tawa na sya namang ikina kunot muli ng noo ko.
"Phan..." tugon ko.
"A----" di nya naituloy ang sasabihin nya dahil sa biglaang pagpasok ng dalawang kawal sa silid.
"Tandang pinapatawag po kayo ng mahal na hari." saad nila, tango ang tanging tugon ko sa kanila. Nang maisara ang pinto ay nabaling na namang muli ang atensyon ko sa kanya. Sa babaeng itinakda na walang ka alam alam.
"Sumunod ka sakin." Saad ko at tuluyang lumabas ng pinto.
****
"Tandang anong nangyari sa kanya?" Tanong ng hari.
Nilapitan ko ang nakahilatang bangkay,lumuhod ako para mapakiramdaman ang pulso nito. Batang bata pa ang namatay at siguro ay nasa edad bente palang. Sa kanyang pangangatawan ay matikas at tingin ko ay malakas syang mahikero, ngunit bakit ganoon na lamang sya kadali napatay?.
Walang bakas ng "blood stain" ang kanyang damit. Ni pananakit ng buto wala.
"Tingin ko alam ko na ang nangyari sa kanya mahal na hari." Tugon ko at ipinagdikit ang dalawa kong palad.
"Kasalanan ito ng isang Yo-kai o demon." Saad ko.
"Demonyo sila na nag aanyong bangkay upang manguha ng mga kaluluwa. Malulusog na kaluluwa ang kinukuha nila at taong mayroong malalakas na kapangyarihan." Dugtong ko.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang hari at umupo sa magarang upuan.
"Gawan mo ng paraan para hindi maapektuhan ang mga tao at ang buong kaharian." sagot nya naman. Marahan akong yumuko bilang tanda ng pag galang sa hari at tuluyang umalis.
Mukhang kailangan na nga talagang magsimula ni Phantie, masimulan ang pagsasanay.
kahit di pa ako masyadong kumbinsido na sya nga ang itinakda ay gagawin ko parin ang lahat.
---
"Give and give and someday they will repay you with goodness."
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...