Phantie"Phan, san ka galing?" Nag aalalang tanong sakin ni Tandang ng makita akong paparating suot suot parin ang itim na hood.
"Tandang, di pa rin ligtas ang kaharian." Seryoso kong sagot sa kanya. Kitang kita sa kanyang mga mata na parang alam na nya kung ano ang tinutukoy ko.
"Magbihis ka, ayusin mo muna ang sarili mo bago mo gawin ang binabalak mo." Diretsang saad nya sakin, tumango ako bilang sagot sa kanya saka ngumiti.
Patakbo akong pumunta sa kwarto ko saka naghanap ng damit na aayon sa akin. Pinili ko ang isang damit na may see through long sleeves at black pants.
Nang makuntento nako sa suot ko ay lumabas nako kaagad, di ko na pinansin pa kung ano mang ginagawa ni tandang.
Naglibot ako sa pang itaas na parte ng palasyao, palinga linga ako sa bawat kwarto na nadadaanan ko.
Sino nga ba ang hinahanap ko?, tama, ang babae...
Napahinto ako ng mahuli ng mga mata ko ang tila medyo nakabukas na pinto. Dahan dahan akong pumunta roon at sumilip.
Si prinsesa Jewel, pinaliit ko lalo ang aking mga mata para malaman ko kung anong ginagawa n'ya. Tila ba ay may hinahanap syang libro at nakakapag taka naman na pagtutuunan ng isang prinsesa ang isang libro lang.
Yumuko sya at tinignan ang ilalim ng kama. She chant a spell and a long piece of wood came out of nowhere. Ginamit nya ang kahoy pang abot at nagtagumpay naman sya.
Pangiti-ngiti nyang yinakap ang libro na tila ba ay isa itong bata na matagal ng nawalay sa kanya.
"Sige lang, mag saya kayo ngayon at sa susunod ay iiyak kayo ng walang pakundangan." Rinig kong saad pa n'ya at humalakhak pa ito na parang demonyo.
Prinsesa ba talaga sya?.
Pagkatapos ko iyong marinig ay dumiretso ako sa kwarto ng prinsipe, kahit hindi kami masyadong malapit at minsan ay nag aaway ay siguro naman ay tutulungan n'ya ako diba?.
"Adam!" Bungad ko sa prinsipeng walang suot na pantaas na damit at naka pants lang. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng bigla kong naramdaman ang mainit nyang katawan sa likod ko. Anong ginagawa nya?.
Di ako makagalaw, di ko alam na kusa na palang kumikilos ang aking kamay at sinapok s'ya.
Napangiti ako sa pag daing nya, teka, ba't ako nangingiti? Phan, umayos ka sabihin mo na ang binabalak at nalalaman mo.
"Okay ka lang?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.
"Bwesit! Pumunta punta ka sa kwarto ko, sinapok ako at tatanungin mo kung okay lang ako?" Sarkastiko din namang tugon nya. Nais kong ngumiti ngunit di maaari.
"May traydor sa kaharian." Diretsang saad ko. Tumayo naman sya ng tuwid at pumunta sa upuan malapit sa mesa.
"Traydor? Nababaliw ka na ba?" Natatawang sagot nya sakin.
"Oo." Seryoso ko namang tugon sa kanya ngunit isang napakalakas na halakhak lang ang naging tugon nya.
"Pag mapatunayan kong may traydor sa kaharian, ano sa tingin mo ang dapat kong ipa gawa sayo?" Nakakaloko ko namang tanong sa kanya.
Napa ubo naman sya ng tatlong besses at sumeryoso ang mukha.
"Wala, dahil walang traydor dito." Diretsang sagot nya.
"Sige." Tugon ko naman.
"Walang traydor dito Phan, at kung mapapatunayan mo man sa akin na may traydor nga ay magiging mabait nako sayo at isasama kita sa pangangaso." Sagot nya naman. Napangiti ako sa naging turan nya.
"Sinabi mo yan ah." Sagot ko sabay flying kiss at wink sa kanya.
Those flying kiss and wink are magical, kumbaga may sumpa iyon. Iyon ang patunay na may isang salita s'ya.
Lumabas nako sa kanyang kwarto at naghanap ng tyempo upang makapasok sa silid ng prinsesa.
~~~
Wanna know your thoughts about Phantie guys! What do you think will happen? Matutupad kaya ni Prinsipe Adamson ang naituran nya?.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...