Phantie 19: Patunay

33 7 0
                                    

Phantie

Tyempo, iyan ang tangi kong hinagilap sa bawat pasikut sikot ng palasyo.

Pinagmamasdan ko ang paligid, palinga linga sa bawat likuan. Dire diretso akong naglakad ngunit napa tigil ako ng mahagip ng aking mga mata ang naka awang na pinto.

Rinig na rinig ko ang bawat salitang sinasabi nya. Spell, di ko alam kung para saan o ano ang ginagawa at sinasabi nya pero ang nakakasigurado ko ay di ito maganda.

Pa unti-unti akong lumapit sa pinto. Marahan ko itong binuksan pa at nakita ko ang isang babaeng may magarang kasuotan. Kulay asul at kumikutitap ang mga brilyantes na naka disenyo sa damit.

Her arms are wide open, sa bawat salitang kanyang binibigkas ay nagbibigay kirot sa aking puso. Bakit? Anong meron sa babaeng ito? Ano?.

Mas binuksan ko pa ang pinto ng dahan dahan ng bigla----

"Psst, hoy Phan!" Napa balikwas ako ng bangon ng makita ko ang prinsipe na may hawak na basahan habang seryosong nakatingin sa akin. T-teka, panaginip lang yun?.

"Bakit naka kunot ang noo mo?, hala!, bangon na marami ka pang gagawin." Seryosong sabi nya sakin sabay tapon ng basahan sa mukha ko.

"At, ayusin mo muna ang sarili mo bago ka pumunta sa kwarto ko."

"Ano namang gagawin ko sa kwarto mo aber?" Taas isang kilay kong sagot sa kanya.

"Maglilinis." Diretsang tugon nya sabay alis sa kwarto ko. Napa iling na lamang ako, wala naman rin akong magagawa eh kung hindi ay sundin sya.

Agad na akong umalis sa kama ko at naligo. Inayos ko ang aking sarili bago tuluyang nagliwaliw sa palasyo.

Habang tinitignan ko ang aking sarili sa salamin ay nagbalik sa aking isipan ang aking panaginip. Babae, kulay asul na damit.

"Hi Phan." Bati sakin ni Prinsesa Mina. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, kulay asul na damit...

Hindi, hindi rin.
"Magandang umaga, prinsesa." Bati ko sabay marahang yumuko sa kanya.

"San ka papunta Phan?." Tanong nya sakin. Masyado syang maganda at mahinhin para maging mahikerang mangkukulam.

"Sa kwarto ng prinsipe, prinsesa." Tugon ko sa kanya.

"Dumiretso ka raw muna sa kusina upang kunin ang almusal ng prinsipe saka dalhin mo iyon sa kanyang kwarto." Sagot nya naman. Tumango ako bilang tugon saka marahang yumuko bilang tanda ng pag galang.

"Masusunod." Saad ko, naglakad na rin ako papalayo. At the back of my mind may nagsasabi na sya iyon, pero ang labo.

Dumiretso na ako sa kusina at kinuha ang pagkain ng prinsipe.

~~

Nang maka pasok ako sa kwarto ng prinsipe ay napa awang ang aking bibig dahil sa aking nakita. Ito na naman ba tayo?. Tanong ko sa sarili.

Ang kalat, sobrang kalat ng kanyang kwarto na tila nagpa party ang ilang hayop at tao sa lugar. Inilagay ko na ang pagkain sa lamesa at sinimulang kumuha ng walis.

Di parin mawala wala sa isip ko ang aking panaginip at ang pagkikita namin ng prinsesa. Hindi Phantie, imposible.

~~

So what do ya think?

Phantie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon