Phantie
Ilang besses ko ng sinubukan ang ginawa ni Tandang Anhiyo at...
"Ano ba yan Phan, kala ko ba bihasa ka na?" Taas kilay nyang tanong sakin. Seryoso akong tumingin sa aking mga palad, pinapakiramdaman ang paligid.
Marahan ko munang ipinikit ang aking mga mata, inaalala ang ginawa ni Tandang kanina at nag pokus.
Dahan dahan kong iginalaw ang aking kamay, sunod ang aking katawan at patuloy na pinopokus ang aking kapangyarihan.
Ito na, lakas loob kong itinapon ang aking nagawa.
"Oh ano Anhiyo, bihasa na kasi ako." saad ko sa kanya na may ngiti sa aking mga labi.
Ngunit ang naging tugon nya lang ay isang iling at ngiting mapang asar.
"Tignan mo." sagot nya.
Tinignan ko ang parte kung saan itinapon ko ang Magic at guess what, ni isang hukay ay walang nagawa.
"Bihasa ka na nga." Sarkastiko nyang turan sakin.
Sasagot na sana ako ng biglang may dumating.
"Phan, halika dito." Saad sakin ni Prinsipe Adamson sabay hila sa akin, oo ang dakilang prinsipe na naging dahilan kung bakit naging alipin ako ng wala sa oras.
"At saan tayo pupunta aber?" Tanong ko. ngunit imbis na sagutin ako ay nagtuloy tuloy parin sya sa paghila sakin.
"Teka teka, paano si tandang?" Tanong ko ulit. Paano iyon? Magsasanay pa ko!.
"Anong pagsasanayan mo eh alipin ka lang." Biglang turan nya. Paanong?.
"Nababasa ko isipan mo kaya tumahimik ka nalang." Dugtong pa nya. Napatahimik ako dahil sa sinabi nya pero kahit na ang totoo nyan ay sa kaibutuuran ko ay gusto ko ng gamitan ng mahika ang lalaking to.
"Nandito na tayo." Sabi nya sabay bitaw at tulak sa akin. Walangya talaga.
Tinignan ko kung nasaan na kami, at narito lang naman kami sa kanyang kwarto. Ang ganda ng kwarto nya, kitang kita sa mga gamit na nandito ang pagiging maarte nya.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.
"Maglilinis, malamang." Agad na turan nya habang suot suot ang mala demonyong ngiti.
"Linisan mo ang kama ko, pakintabin mo ang mga sapatos ko at ipaghanda mo ako ng pagkain." Dire diretsang sabi nya. Napasinghap ako dahil sa mga sinabi nya pero...
"Di ako ang alipin mo diba? Si Allen ang alipin mo hindi ako." Sagot ko naman pabalik sa kanya. Pero ang loko dire diretsang naglakad paalis sa kwarto.
Aangal pa sana ako ngunit nakalabas na sya kaya napa buntong hininga nalang ako habang tinitignan ang maruruming damit,kama at sapatos ng lalaki.
Sa tingin ko ay wala akong magagawa kundi sundin ang utos nya. magmamamahika na sana ako ng muli syang bumalik.
"Bawal gumamit ng mahika sa paglilinis ng gamit ko." Diretsa uling sabi nya at umalis.
Pinigilan ko ang sarili ko mula sa pagsunod sa kanya at bigwasan sya.
"Sundin ang dapat sundin." Bulong kong saad sa sarili saka yumuko at sinimulan ang pagpapa kintab sa nakahilerang mga maduduming sapatos.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasyPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...