Phantie
Pagkatapos kong marinig ang pag-uusap nila ay dali dali akong bumalik sa bahay.
"Hoy tandang Anhiyo" sabi ko kay tanda habang hinahabol ang hininga ko. Walangya.
"Ano?", tanong nya. "At bakit dala mo parin ang mga gamot na pinapadala ko sayo?" Kunot noong dugtong nya sakin.
Teka? Naihatid ko na to kanina ah. "Tanda" tawag ko sa kanya. " Anong hatol ang pinag uusapan sa labas? Noon wala naman yang hatol hatol na yan ah" dugtong ko.
Ano na bang nangyayari sa kaharian? Oo, normal lang ang magkaroon ng hatol sa ibang kaharian pero iba to eh. Iba.
"Hahatulan ang sino mang--" di na naituloy ni Tandang Anhiyo ang sasabihin nya ng pareho kaming makarinig ng malakas na tambol.
"Magsitipon ang lahat!" Ang bosses na yun, ang taga hayag. Agad akong lumabas para tignan kung anong mangyayari.
Ngunit bakit di sya sumunod sakin? Napa balik ako sa loob ng bahay, "Di ka susunod?" Tanong ko sa kanya. "Hindi"diretsong sagot nya. Bakit? Isang malakas na tunog ng tambol na naman ang narinig ko.
Lumabas uli ako. Napako ang mga paa ko ng makita ang isang kawal na may hawak na malaking itak sa braso nito at may lalaking nakaposas na nakaluhod ngunit ang ulo nito ay nasa putol na kahoy na pwedeng maupuan.
Mula sa malaking kastilyo, lumabas dito ang hari kasama ang mga kawal. "Ang paghahatol." Sabi ng taga pahayag.
"Hinahatulan ko ang lalaking ito na nagngangalang Quis. Artikulo uno hinahatulan ng kamatayan ang mga taong walang kapangyarihan." Napasinghap ako sa sinabi ng taga pahayag. Bakit naman nila hahatulan? Ganoon na lamang ba ang pagbabawal sa mga taong walang taglay na mahika?.
Sa bawat kumpas ng hari ay syang pag galaw ng Itak. Sa isang kumpas nito ay ang paghiwalay ng ulo nito sa katawan. Hindi, bakit? Bakit?
"Ayan lam---"
"Magbabayad kayo! Hari ng lapastangan!" Sabi ng babaeng biglang sumulpot. Matanda na ito at halos gusot gusot na ang kanyang damit.
"Anak ang kinuha, anak rin ang kabayaran hahahahahaha" sabi nito habang itinaas ang dalawa nitong kamay. Tawa ito ng tawa na tila ba ay mag planong nasa isip.
"Verbum chi zum be ru!" Sabi nito ng lalapitan na sana sya ng mga kawal. Naglaho ito ng parang bula. Isang witch.
Isang hatol pala na kung saan may magiging kabayaran. May mamamatay. May mabubuhay.
BINABASA MO ANG
Phantie
FantasiPhantie, isang babaeng di pa kabisado paano gumamit ng mahikang nasa kanya mula ng ipanganak sya. Mula sa Kaharian ng Adon ay lumipat sya sa Kaharian ng Zembes upang makipag sapalaran. Ni di nya alam kung anong mangyayari sa kanya sa lugar na iyon n...