I Can't Make You Love Me
And I saw them kissed. I watched them both cried in so much happiness.. I guess that's the end of it. Ours.
Hindi na nya ako kailangan sa buhay nya dahil nagbalik na siya.. Pinakatitigan ko muna ang mukha niya sa malayo na tiyak akong sobrang minahal ko atsaka naglakad palayo mula sa lugar na iyon.
Habang humahakbang ako palayo sa kanila ay alam kong pinipili ko ng alisin sya sa buhay ko.
Tama bang minahal ko sya? Tama bang hinayaan ko syang manatili ng matagal sa buhay ko? Tama bang idinepende ko ang sarili ko sakanya? Tama bang umasa ako na balang araw ako rin ang pipiliin nya? At tama bang naghintay ako na magiging akin rin sya?
Ang dami kong tanong.. Pero ni isa hindi ko ito masagot.
Sa bawat pagpatak ng luha ko ay alam kong napapagod na ang mga mata ko. Sa bawat paghikbi ko ay alam kong nasasaktan na ang puso ko. At sa bawat hakbang na ginagawa ko ay alam kong babagsak na ang isipan ko.
I wiped my tears.
"Sht," I silently cussed hoping that it could help me suffice the pain but it didn't.
Kanina ay buo na ang desisyon kong talikuran na ang lahat pero kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang.
"Pero mahal ko sya.." muli ay mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa pagpigil ko ng iyak at hikbi.
Kapag mahal mo, hinding-hindi mo sya dapat tinatalikuran.. Hindi mo dapat sya hinahayaang mapunta sa iba!
"Pero sinaktan nya ako... Paulit-ulit na lang ba?"
Sa wakas ay may maisasagot na rin ako kahit isa man lang sa mga katanungan ko. Hahayaan ko pa bang masaktan nya ako?
"Hindi na.. Tama na.. Wag na.."
I smiled.. And I think I need to let it go.. All of it.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tamang ipaglaban mo ang nararamdaman mo para sa taong mahal mo kung mismong sarili mo'y nagdududa ka pa kung kaya mong mahalin ito. Minsan kailangan mo munang punan lahat ng pagkukulang mo sa iyong sarili bago ka magpasyang lumaban para sa iba.
And even if leaving him was the hardest thing for me to do.. I'll leave. No.. Maybe the first step of leaving him was forgetting.. And I need to forget everything about him. Everything.
----
Chapter 1 will be published soon because I'm focused on finishing 'MY FIRST LOVE' and as soon as I'm done with it... I think I would love to start this.. Thank you, Royalties!
--TheQueenJRose
BINABASA MO ANG
I Can't Make You Love Me
General FictionDate Started: July 11, 2016 Date Finished: --- I was scared of leaving you because you've been left too many times. I was scared of hurting you because you might hurt me too. I was scared of loving you because I know from the very beginning th...