Chapter 15

28 1 0
                                    

15
"Kapag hindi mo na ako mahal.. Doon ka lang pwedeng umalis.. Sabihin mo lang na hindi mo na ako mahal at hahayaan na kita. Hindi na kita guguluhin."




Halos ilang araw din akong galit kay Kenneth dahil matapos kong pagbantaan na iiwan ko sya at lilipat na ng bahay ay tumawag ito agad kay Tita Cindy para ipaalam na kung tatawag man ako sa kanila ay tungkol lamang ito sa ipapadalang tauhan para sa gagawing pool.

"Sunduin ka na lang namin mamaya sa bahay nyo para payagan ka ni Kenneth.."

"Hindi na kailangan, Aury. Aalis ako kung gusto kong umalis. He's not responsible of what I'm gonna do,"

Nagaaala lang akong tinignan nila Rijane ngunit kumalma naman sila ng hawakan ni Azrian ang kamay ko.

Sumikip ang dibdib ko dahil sa kaba at nagbara ang lalamunan ko. "Az.."

"Ano bang mayroon sa inyong dalawa? Lately kasi parang nay something?"

Igigiit ko sana na magkaibigan lang talaga kami ngunit naunahan ako ni Azrian sa pagsagot dahilan kung bakit natahimik ako at naghiyawan ang iba naming kaibigan.

"We're exclusively dating.. and.." nilingon ako ni Azrian na humihingi ng permiso para ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.

Ayoko sanang sabihin muna ngunit ilang araw na ring humihingi ng assurance si Azrian sa akin. Hindi ko alam kung kailangan ba talagang may assurance sya kahit nanliligaw pa lang ito o sadyang malaki ang insecurity nya kay Kenneth.. Tumango ako para payagan sya..

"She's planning on moving out on the Sebastian's property. Sasamahan ko sya sa kanyang mama para makapagpaalam na rin ako ng personal para makapanligaw sa kanya."

Napatakip ang dalawang babae na nasa harap ko upang mapigilan ang tili at halos hampasin na ako.. "Oh my God! We're going to have a princess!" sigaw ni Aury.

Tumawa ang mga lalakeng kaibigan ni Azrian na sina Dev, Michael at Dello.. "Bro, tinamaan ka na talaga ng palaso ni kupido." pangangantyaw nila.

Nang gabi kasi na nahuli ko si Kenneth at ang babae nya ay agad akong tumawag kay Azrian. Inilabas ko lahat ng iyak ko dahil pakiramdam ko'y nabastos ako.. He's the one who suggested and encouraged me to move out.

Agad na kumalat sa buong campus na nililigawan nga ako ni Azrian, may iba ring kumalat na kami na nito at pinagtataksilan ko raw si Kenneth. Pinatawag ako kinahapunan sa office.

Bumungad sa akin ang galit na galit na si Kenneth at ang hindi mapakaling si Ms. Georgina.. Umambang tatayo si Kenneth ngunit sinagawan sya ng pinsan para manatili sa kanyang pagkaka-upo.

"Gabrielle, mabuti naman at nandito ka na.." marahang sabi ni Ms. Georgina.

"Nagmadali po ako dahil pinapatawag daw po ako rito sa office. Ano po bang meron?" although I have a hint kung anong dahilan ay tinanong ko pa rin.

"You two should talk things out, please. I'll leave you for a while then babalikan ko kayo. Ken, please be gentle.. She's still a girl."

Matalim akong tinitigan ni Kenneth nang makaalis si Ms. Georgina. Nanatili lang akong nakatayo malapit sa pintuan ng office dahil natatakot ako sa kanya.

I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon