16
"I never thought it would be the last time.. I never thought it was his way of saying good bye.""Hindi na kita mahal." ilang minuto rin akong natahimik at tumantya ng tamang sasabihin sa kanya ngunit iyon ang lumabas sa bibig ko.
Himala na hindi man lang nanginig ang boses ko kahit na pigil na pigil ko ang sarili ko sa pag-iyak. At kahit hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin..
He smiled at me. My bestfriend smiled at me and I never thought it would be the last time. He kissed me gently. My first love kissed me and I never thought it would be his way of saying good bye.
"Hey.. Hon? Wake up."
May marahang yumuyugyog sa aking balikat at ginigising ako kung kaya't nagmulat na ako ng aking mga mata. His smiling and handsome face welcomed my eyes for sight.
"Hon?" unti-unting nagising ang diwa ko at saka umupo ng matuwid. Nagsalamin muna ako upang ayusin ang hitsura ko bago ko pinansin ang lalakeng gumising sa akin.
"Tired? May dala akong adobo, nagluto kami ni daddy kanina bago ako nagpunta rito."
Sumimangot ako at saka tumayo palapit sa kanya.. Niyakap ko sya. "Nagluto ka na naman kahit hindi ka marunong? Buti na lang sinamahan ka ng dad mo."
He chuckled. "Kagigising mo lang pero kung laitin mo ako--"
"Shh." pagpigil ko sa kanya. Kumalas ako at saka hinila sya papunta sa may lunch area sa aking office. Nakita ko doon ang nakahanda ng pananghalian.
"Mukhang masarap." naka-ngiti kong sabi dito. "Mr. Del Arevalo, natuto ka ng magluto!" masayang sabi ko ng matikman ko ito.
"Gabbi, balita ko sa secretary mo na palagi kang puyat this week. Hindi mo naman kailangang mag-overtime palagi."
Nag-iwas ako ng tingin. Ito na naman kami.. Pag-uusapan na naman ba namin sya?
"Azrian, kung iniisip mo--"
"Hon, you can't blame me.. For the past 4 years ay lagi kang ganito. Palagi, Gabrielle." the hint of bitterness in his words were visible and I hate making him worry about something.
"Hon.. Marami lang talaga akong kailangang reviewhin na documents at pirmahan. Alam mo namang maraming naiwan si.." I cleared my throat. "Maraming naiwan si mama'ng documents kaya ako ang tumatapos nito. It has been years nung umalis sya, ni hindi nga sya nagpunta sa burol o libing ni mama, and isa pa.. Meron akong.. ikaw." paglalambing ko sa kanya.
My mom died almost a year ago at kailan ko lang nahawakan ang business na naiwan nya. Hindi naman ako pinabayaan ng mga Sebastian.. They made a deal na kahit hindi kami nagkatuluyan ni Kenneth ay itinuloy pa rin nilang tulungan ang papalubog na palang business ni mama. Magli-limang taon na akong walang balita kay Kenneth, wala namang nagsasalita sa pamilya nila tuwing nauungkat ang tungkol sa biglaang pag-alis ni Kenneth papunta sa kung saan. Pagkatapos kasi naming mag-usap ay hindi ko na sya nakita. I've waited for him to come home and talk to him to say na mahal ko sya at hindi ako aalis but he never came back. I tried calling him and texting him but he's not using his number and deactivated his all social media accounts. I tried asking Ken's family but they never told me where he's gone to and when will he come back.. It's like he shut me out like what I wanted to years ago. I've searched and waited for him but there was no single sign of him.
When I graduated, I worked in Del Arevalo's company because my mom never wanted me to take over our business. Until she got sick and found out that we're almost going bankrupt. She gave up and left me suffering. But Sebastian came running to help me. I owe them much so I needed to work hard. Azrian never left my side since Ken left me.. We became special to each other na naging kami na lang basta.
"After nating mag-lunch, umuwi na muna tayo para makapagpahinga ka." hindi na ako umangal pa dahil iyon din ang gusto ko.
"Thank you, Azrian.."
"No problem, hon. I love you.."
"I love you too." sagot ko. It's always not seem right kapag sinasagot ko ang 'I love you' nya.. Maybe because I'm not that really in love with him.
Agad akong sumalampak sa kama nang magpaalam na si Azrian dahil may emergency meeting ito. Nanatili akong titig sa kisame.
"Where are you?" bulong ko.
Nagsinungaling ako kay Azrian kanina dahil ayoko syang saktan. Iniisip ko pa rin sya at tahimik pa ring umaasa sa pagbabalik nya. Bukas ang ika-limang taon ng pagkawala nya..
"Babalik ka pa ba?" then I decided to sleep.
Nagising ako sa tawag ni Rijane..
"Hello?"
"Nasaan ka? Pwede ka bang pumunta dito kina Azrian?"
Bago pa ako makapagtanong ay may narinig na akong hiyawan doon at pagkabasag ng mga bote. Agad kong pinatay ang tawag at dinampot ang susi ko. Habang nagdadrive ako papunta roon ay ilang beses kong tinawagan ang phone ni Azrian ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko. Nagkamali pa ako sa pagbaba ng phone ko at nahulog ito sa ilalim ng upuan.
Habang papasok ako sa subdivision ay muli akong nakaramdam ng kaba at mas lalo lang akong umaasa.. Ganito ang nararamdaman ko kapag nagpupunta ako sa bahay ni Azrian dahil katapat lang nito ang dating naging bahay namin ni Kenneth ng ilang buwan.
Lumiko ako sa street nila at habang palapit ako ay bigla na lamang akong kinabahan ng sobra-sobra. May hindi pamilyar na sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Sebastian at bukas naman ang malaking gate sa bahay nila Azrian.. Basag ang isang bintana ng sala nito. Lumabas si Rijane at nakita ako,
"Sht! Guys! Nandito na sya!" sigaw nito. Agad itong tumakbo palabas upang salubungin ako ngunit ang mga paa ko'y kusang tumakbo papunta sa gate ng mga Sebastian. Maliwanag na ito ngayon na parang may taong tumitira dito. Siguro nandito sila Tita?
Pagbukas ko ay agad namuo ang luha ko. May halong saya at pananabik ang naramdaman ko ngunit nasabayan ito ng sakit at panghihinayang.
Sa gilid ng pool ay nakaupo si Kenneth katabi ang isang babae na naka-shawl at nakahilig sa dibdib nito habang masayang nagkukwentuhan.. He kissed the girl's forehead and tilted his head just to find me there standing.. Nasa mukha nito ang pagkagulat at ganon din ako. Hinawakan ng mga kaibigan ko ang aking braso at pilit na inilalayo.
"Tinatawagan kita kanina para sabihing wag na lang tumuloy nang malaman ko kung bakit naglasing si Azrian. I'm sorry, Gabbi.." nanghihinang paliwanag ni Rijane.
Nanatiling titig ang mga mata ko sa tanawin na iyon habang unti-unting nagsipatakan ang mga luha ko.
Masaya na sya. Sht! Masaya na sya sa iba!
BINABASA MO ANG
I Can't Make You Love Me
General FictionDate Started: July 11, 2016 Date Finished: --- I was scared of leaving you because you've been left too many times. I was scared of hurting you because you might hurt me too. I was scared of loving you because I know from the very beginning th...