Chapter 9

38 2 0
                                    

9
"He's not your prince to dethrone."


Ayoko pa sanang tumayo dahil ang aga-aga pa pero naririndi na ako sa mga katok at mahihinang sigaw galing sa labas ng aking kwarto. Binuksan ko iyon at handa na sanang sigawan si Kenneth kung hindi ko lang sya nakitang bihis na bihis na.

"Ba.. Bakit ka bihis na bihis?"

Halos magdikit ang kilay nito dahil sa tanong ko. "What the... Don't tell me?" Hindi ko na hinintay ang pagkumpirma nya at agad ng tumakbo sa aking banyo.

Mabilisang ligo at pag-aayos na ang ginawa ko. Naabutan ko naman na humihigop ng kape si Kenneth at halos maibuga nya ang kape sa kanyang bibig ng makita ako.

"What? Bakit ka natatawa?"

"Wala. Umupo ka na at kumain.."

Ngumuso na lang ako at umupo sa tapat nya. Mas marunong itong magluto kesa sa akin kaya naman laking pasalamat ko.


"Ano nga?"

"May dalawang oras pa naman kasi. Masyado kang nagmadali sa pagligo." normal nyang sagit sakin.

"Eh, kinabahan ako sa mga katok mo! Malay ko bang baka mala-late na ako?!"

"Talagang sinadya kitang ginising ng ganoong oras dahil tantiyado ko na kung ilang oras ka naliligo."


Ngumuso na lang ako. Pinanood ko naman syang maghugas ng pinagkainan namin.


"Tototohanin mo ba iyong mga banta mo sakin?"

"Alin doon?"


Nakakapang-init talaga ng ulo 'to, e. "Iyong babakuran mo ako?"

Marahas nya akong niliingon at halos matatawa na. Kahit ako ay tuluyan ng natawa sa pagkakatanong ko sa kanya.


"Babakuran? Oo. Lahat iyon, gagawin ko."



Nagpunas sya ng kamay at dinampot na ang bag naming dalawa. "Nakakainis ka. Pati ba naman kasi schedule natin, pareho."

"Magpasalamat ka na lang at hiwalay ang building namin sa building nyo."



Lumabas sya bg sasakyan para pagbuksan ako. Hinablot rin nito ang bag ko.



"Sabay tayong magla-lunch. Wag kang lalabas ng klase mo hangga't wala ako kung ayaw--"

"Tama na muna yang banta mo. Susunod ako sa gusto mo para wala na tayong pag-awayan."

Habang papunta kami sa building ko ay nililingon kaming dalawa. Or baka kay Kenneth lang? Psh. Nagagwapuhan o sadyang napaka-angas lang ng dating nya sa mga estudyante dito.

Ilang babae ang nairapan ko dahil sa lantaran nilang kalandian. Nakakainis!

Huminto kaming pareho sa una kong klase. Nauna syang pumasok kaysa sakin at inilagay ang bag ko sa harapang silya. Halos magtilian pa ang iilang babae sa loob..

I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon