Chapter 17

47 1 0
                                    

17
"Mahihirapan kang mahalin ang kasalukuyan kung hindi mo pa tapos mahalin ang nakaraan."



Bago pa kami makaalis ng bahay nila ay tumayo na ito at nagmadaling lumapit sa amin. Nagtataka ang kanyang mukha habang tinititigan ako..



"Gab?" kunot-noo nitong pagtawag sa pangalan ko. Ni hindi pa nga yata sya sigurado, e. Siguro ay dahil sa ilang taon naming hindi pagkikita?



"Ken.." nanginginig kong pagtawag rin sa pangalan nya. Unti-unti ay ngumiti ito.. Dmn! Limang taon! Limang taon na ipinagkait ng mundo sa akin ang mga ngiting yan!


Bago pa ako humakbang upang mayakap sya ay agad na nakita namin ang paglapit ng pa-ika-ikang babae.. Sinundan ni Kenneth ang tingin ko at saka mabilis na inakay ang babae palapit sa amin.



"Good evening.." nakangiti nitong bati sa amin.



"She's Gab.. Yeah, I think she's Gab! I saw her in my memories.." excited na pagbabalita nito.


Nalilito ko silang tinignan. Ang mga kaibigan ko naman ay inaaya na akong puntahan si Azrian sa bahay nito. "Unahin natin ang boyfriend mo, Gabrielle! Please, bukas mo na lang sila kausapin!" mariing sabi ni Aury habang hinihila ako ngunit tinabing ko ang kanyang kamay.



"Memories?"


The girl beside Ken cleared her throat.. She's pale and she looks ill.


"I'm Miracle. Yes. Three years ago, he got into an accident that almost cost his life.. But he survived yet lost his memories. Lately lang nito unti-unti naaalala ang lahat so we went back here in the Philippines."



Hindi ko na napigilan ang luha ko at napatakip na lang ako sa aking bibig.. I was hardly sobbing in tears kaya nagtaka ang dalawang nasa harap ko.


"Ibig mong sabihin... Hindi mo kami naaalala? Kahit si Gabbi? Na may amnesia ka?" si Rijane na ang nagsatinig sa aking tanong.



"Yes.. But I saw Gab once when I was locked up in my office. Kaunting-kaunti lang. Just her face when I first met her, I think."



Tumango ako. "Yeah. I'm Gabrielle Gonzales.. We were friends before you left."



Tumango ito at talagang nasa akin ang buong atensyon nya.. It's like he's really interested.




"I'm sorry about what happened to you. But we have to go, maybe next time na lang kayo mag-usap because his boyfriend is waiting for her, dyan lang sa kabilang bahay."




Hinila na nila akong dalawa at wala na akong nagawa. Binitawan na lang nila ako ng nasa garden na kami nila Azrian.




"So he's forgotten about me." na tila hindi pa tinatanggap ng aking sistema ang katotohanang iyon.

I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon