7
"I can't promise you that I'll keep it low, 'cause just now I want to declare a war.. You are mine, Gabbi. At magiging batas 'yan sa Lopez.""What do you want to talk about?"
"Gusto kong malaman kung ano bang iniisip mo at bakit ka pumayag sa gusto nila!"
Hinawakan nya ang mga balikat ko at mataman nya akong tinitigan.
"Why are you so scared?"
"Hindi ako takot." seryoso kong sagot sa kanya. Iyon naman ang totoo, e.
Then flames comes to rage in his eyes. "You are! Dahil kung hindi ka natatakot sa gusto nila, bakit ganito ka makatanggi?! We can still do what we want to do kahit pa nasa iisang bubong nalang tayo. Hindi rin naman nila tayo pipiliting maikasal kung wala naman talaga tayong mararamdaman sa isa't isa."
Then it hit me. Imposible nga. Then I managed to smile.
"Hindi ako takot, Kenneth. Sadyang ayoko lang na nasa malapit ka.. Dahil sa tuwing nasa paligid kita, hindi ko maiwasang magalit. Gusto ko ng tahimik na araw pero hindi yata mangyayari iyon dahil sa gusto nila. And yeah, hindi naman nila tayo pipilitin kung wala naman talaga."
Binuksan ko ang pintuan pero naka-lock ito.
"Gusto ko ng bumaba."
Nakita ko ang paglunok nya. "Bakit.. ang laki ng pinagbago mo sa maiksing panahon lang?"
"You did this to me. And change is a constant thing, Kenneth. You, too, can even change every minute, right?"
"Galit ka pa rin dahil sa nangyari sa school?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Hindi na ako galit."
"Then why are you acti--"
"Dahil may na-realise ako, Kenneth." I laughed. "Na-realise ko na mababaw lang yung rason na nagustuhan kita. Mababaw pa rin na rason kahit ang maging kaibigan ka. Iyong mga ginawa mo sa akin? It's nothing, just forget it. Kung nakokonsensya ka, then good for you. Pero okay na ako."
Hinampas nya ang manibela kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Nung inamin mong mahal mo ako.. Ano 'yon?"
Hindi ko inaasahang tatanungin nya ito sa akin. Panandalian akong kinabahan ngunit agad rin itong nawala.
"Siguro nalito lang ako sa crush at love? Maybe it's just a shallow feeling na napagkamalan kong pagmamahal. Wala rin naman kasi akong ibang nakakasalamuha bukod sayo noon."
Tumawa ito.. Para na syang mababaliw. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, e.
"Alam mo ba kung anong dahilan? Kung bakit walang may gustong lumapit sayo?"
"Oo. Dahil ayokong lumapit sila sa akin."
"Damn it! Mali ka! Takot silang lumapit sayo dahil ayoko! Ako ang dahilan, Gabbi, kung bakit wala kang kaibigan! Dahil ayokong may mapalapit sayo bukod sa akin!"
Masamang titig ang ibinigay ko sa kanya. Naramadaman ko ang paninikip sa aking dibdib dahil sa sinabi nya. Buong akala ko they don't want to be friends with me because I was intimidating. Akala ko hindi sila nakikipagkaibigan dahil sa ayoko lang or dahil natatakot sila sakin. but it turned out to be Kenneth's fault.
"It's okay. I never needed friends anyway."
Mas umigting pa ang panga nya. "And ako rin ang magiging rason kung bakit walang lalapit ulit sayo. Walang ibang magiging malapit sayo, Gabrielle."
Tumango ako. "Okay. Hindi ko naman kailangan ng ibang tao, e. Just do what you want to do Kenneth."
"I will." matigas na sabi nya.
"Let me get outside of this car."
Mabilis na lumipas ang araw. Ilang gabi kong iniyakan ng tahimik ang dahilan kung bakit wala akong naging ibang mga kaibigan. Ilang gabing tahimik akong umiiyak dahil sa desisyon ni Mama.
Magagaan na pagkatok ang kumuha ng atensyon ko mula sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"Darling.. Are you all set?"
"Opo. Tapos na po, Ma."
She smiled at me. "Good."
"Ma, I just want to know why.."
"Trust me, anak. I'm doing this all for you." she kissed my forehead before leaving me..
"Tara na. Ako na ang magbababa nyan."
Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino iyon. Tinapos ko ang paglock sa huling maleta ko at saka hinayaan ito sa aking kama bago lumabas ng kwarto at lagpasan sya.
Ngayong araw ay ang araw na magsasama kami ni Kenneth. Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman ko. Kung dapat ba mainis na naman ako o kung dapat bang hayaan ko na lang ito. Siguro naman ay masasanay rin ako sa presensya nya. Malaki rin naman ang tiwala ko sakanya na walang syang gagawing masama sa akin habang nasa iisa kaming tirahan.
"Hindi ka umiimik." puna ni Kenneth nang makalayo na kami sa bahay.
"Focus on driving."
"C'mon, stop pouting. Isusunod rin ng driver nyo ang sasakyan mo."
"Pwede bang wag mo na lang akong kausapin?" irita kong sabi dito.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at saka pumikit. Hindi ko alam kung anong hitsura ng bahay na tutuluyan namin. Ang alam ko lang ay isa ito sa mga townhouse ito ng mga Sebastian..
Ipinirmi ko ang pag-iisip ko at hinayaan ko na lamang na isipin ni Kenneth na tulog ako.
He turned on the stereo at saka nagpatugtog ito. Kung anoman ang nasa playlist nya ay siguradong iyon rin ang nasa akin kaya hindi ako umangal. Dito kami madalas magkasundo, sa kung anong papakinggan namin kapag nasa loob kami ng kanyang sasakyan.
"Damn, Gabbi. I wanted all of these to happen but I never thought any of these would be hard."
I don't know what games you are trying to play but I swear I'll be two steps ahead of you. Unti-unti rin akong hinila ng antok dahil sa ilang minuto kong pagpikit ngunit nagising ko ang diwa ko dahil sa mga narinig ko.
"Hindi ko alam kung papaano kita ilalayo sa iba ngayong magsisimula na naman ako sa umpisa. I can't promise you that I'll keep it low, 'cause just now I want to declare a war.. You are mine, Gabbi. At magiging batas 'yan sa Lopez."
Hindi ko napigilan ang pagbuga ko ng hangin dahil sa kaba kung kaya't napamulat ako sa kanyang pagtapik marahil sa gulat din nito. Sht!
"You're awake." malamig nitong sabi.
BINABASA MO ANG
I Can't Make You Love Me
General FictionDate Started: July 11, 2016 Date Finished: --- I was scared of leaving you because you've been left too many times. I was scared of hurting you because you might hurt me too. I was scared of loving you because I know from the very beginning th...