Chapter 20

36 0 0
                                    

20
"May naghihintay sa kanya sa kanyang pag-uwi. May umaasang magbabalik sa kanya ang taong mahal nya... at alam ko ang pakiramdam ng maghintay para sa taong mahal na mahal mo."




"So, nasa bakasyon ka pala.. I'm sorry kung pati ako sumingit sa schedule mo to relax."



I just smiled then continued writing my name on sand.



"The night you entered the gate and I saw you, I just felt like I need to remember something that has something to do with you. I tried calling you but you always reject my calls."


"It's because I was busy and still.. shocked."


"Saan ka nagulat?" normal na tanong nito habang titig na titig sa dalampasigan.



"Sa nalaman ko.. Na naaksidente ka at wala ka ng naaalala. And that you're already married."


Sa huling tinuran ko ang syang nagpatahimik sa kanya. Nasaktan ako sa katotohanang kasal na nga talaga sya.. Mali na nga itong ginagawa namin. Maling-mali na. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa aking baywang at saka tumayo bago nagpagpag.


"Unti-unti naman sigurong babalik ang alaala mo kahit wala ako sa tabi mo, di ba?"


Nagaalalang tumayo ito at hinarap ako. Ang mga takas kong buhok na sumasayaw sa aking mukha dahil sa masuyong hangin ay inipit nya sa aking tenga.


"What's wrong?"


Huminga ako ng malalim. "You really need to go home, Ken."


Kumuyom ang mga kamao nito at nag-igting ang kanyang mga panga. "Ano?"



"Ang sabi ko'y kailangan mo ng umuwi."




"I don't understand you! You keep on pushing me away, kahapon pa!"



"Because this is so wrong! You are here to remember but we're exceeding too much to our limitations!"


Naguguluhan itong tinitigan ako. He's out of words, I know!


"I'm afraid. I'm afraid that I might fall in love again with you! Do you get me?" tanging bulong na lang na hindi ako sigurado kung umabot pa ito sa kanyang pandinig.


Pumikit ito ng mariin sa harap ko. Kailangan kong tatagan ang loob ko at iwan sya doon. Patakbo akong lumayo sa kanya ngunit sa muli kong paglingon ay syang pagyakap nito sa akin.

"Gabbi.. Hindi.. Hindi ako aalis kahit na sabihin mo pang hindi mo na ako mahal. Gabbi.." nanginginig nito sabi.


He's remembered?



"Mahal mo ako, Gabbi. Mahal mo ako.. Sabihin mong mahal mo ako."


Ilang segundo akong nanatiling gulat. Gustuhin ko mang ganoon na lang kami ngunit hindi ko kaya.. Dahil may nag-aantay sa kanya sa kanyang pag-uwi. May umaasang magbabalik sa kanya ang taong mahal nya. At alam ko ang pakiramdam ng maghintay para sa taong mahal na mahal mo.



"Naaalala mo na.. Naaalala mo na kung bakit ka umalis."



Tanging pagtango ng paulit-ulit ang kanyang ginawa. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang nagbabadyang paglabas ng luha, ang sakit at ang pag-asa.

"Hindi na kita mahal. Naaalala mo na, hindi ba?"


Umiling ito at doon nakita ko ang pagbagsak ng malalaking butil ng luha mula sa kanyang mga mata.



"Ayoko. Ayoko ng maalala 'yon! Gabrielle, please! Don't do this to me again!"

We were getting too much attention so I stopped fighting against him. I reached for his hands to hold.


"Kenneth, we are not college students anymore. We both have different lives to live now. You got into an accident and found the love of you life.. Miracle, your wife. As for me, I am busy working to save my mom's business that she left. And just like you, maybe in the near future I will eventually meet him. Ang mahalaga ngayon ay naaalala mo na ang nawawalang parte sa buhay mo. Umuwi ka na at ipagpatuloy mo ang buhay na kasama ang asawa mo. There's no more time left for the both of you."

Patuloy lamang iting umiling at unti-unti'y lumuhod ito sa aking harap at yumuko.


"Ken!" pilit ko syang hinila upang tumayo.



"Gabbi.. What should I do? Ayokong mahiwalay ulit sayo. I want to make it all up to you for our lost time.. Sa tabi mo lang ako.. Sa tabi mo lang ako."



"Ken, para sakin.. Gawin mo ang tama!"


"Mahal kita! Mahal kita, Gabrielle! Mahal na mahal kita!"



It was just like a dream.. of him shouting to the whole world how much he loves me. This is what I've been dreaming of a very long time ago. It was surreal! Napaluhod na rin ako at pumantay sa kanya. Hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig.



"Mahal kita, Gabbi. At hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang 'to sinabi sayo.. Mahal kita. Mahal kita."


"Kenneth, don't play with me and those words.."


"I'm not. I love you, Gabbi. I know I should've told you before but I got scared. Na masaktan dahil lang sa nalaman mong mahal kita. Na baka you would just take advantage of me being so much in love with you!"


Sumikip ang dibdib ko, ang sakit na para bang sinasaksak ako ng mga karayom ng paulit-ulit. He's in love with me. He was really in love with me! But why did it happen just now? Bakit ngayon lang?!



Humahagulgol na akong yumakap sa kanya.. His confession of love for me was too much to handle.


"Ken. Oh, Ken.. God knows how long I've waited for you to say how much you love me too. And I am happy.. to know that you loved me. Pero hindi para sa atin ang tadhana.. Hindi ka para sa akin. Hindi tayo para sa isa't isa." I was talking between my sobs. My heart was aching and breaking at the same time.


I never knew it could happen again.. But this time it is me who's gonna say goodbye.


"Balikan mo si Miracle.. Say 'thank you' to her for me. Because he's taken good care of you, and loved you.. I'm setting you free, Kenneth. I'm letting you go."


I kissed his cheek and stood up. Agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at nag-ayos ng aking mga gamit hanggang sa makarinig ko ng malalakas na pagkatok at pakiusap na papasukin ko sya.


Tumungo ako sa telepono. "Please, call the security for me, I need to check out without delay."

I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon