8
"Tumakbo ako papasok ng bahay dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Kitang-kita ko iyon... Iyong ngiti nya habang kumakaway sa akin!""Huh?"
"Ang sabi ko, gising ka pala."
Wala naman akong mapapala kung magsisinungaling na naman ako. And besides, huling-huli nya ako.
"Ah, yeah. I was about to fall asleep but.." hindi maituloy ang aking sasabihin sana.
"But you chose to hear what I want to say." malamig pa rin nitong utas.
I rolled my eyes. "Dahil hindi ako makakatulog nang salita ka ng salita."
"Totoo lahat yun."
"Ang alin?" iritado kong tanong.
"Lahat ng narinig mo. Kusa iyong lumabas sa bibig ko, Gabrielle."
Huminga ako ng malalim at saka umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya.. Hindi ko kasi sya makuha, e. Napaka-gulo nya. Para bang binibigyan nya ako ng pag-asa, tapos ako aasa.. Pero para sa kanya wala lang pala iyon.
"Gabbi.."
"Anong gusto mong sabihin ko sayo?" mahinahon kong tanong sa kanya. Naabutan ko naman ang pag-iling nya nang nilingon ko sya.
"Okay." ang tangi ko na lang nasabi. Pumasok kami sa isang subdivision at saka iniliko nya sa ikalawang street na nadaanan namin.
"Is this serious?"
"Huh?" pagtataka nya sa sinabi ko.
"Sabi ko, seryoso ba 'to? Na dalawang bahay lang meron ang street na 'to.."
Narinig ko ang pag-ngisi nya. At doon ko na lang napansin na nakahinto na kami sa isang magandang bungalow na may hindi kataasan ang gate. Bumaba kami pareho sa sasakyan ngunit natigil ako sa paglalakad ng mahagip ng aking paningin ang katapat na bahay dahil sa malalakas na tawanan sa kanilang hardin.
"Gabbi, let's go." pagkuha naman nito sa aking atensyon. Buhat na nito ang isang bag ko. "Pasok muna tayo bago ko ipapasok iyong mga gamit."
"Hmm. Tutulungan na kita."
"Hindi na.. Kaya ko--"
"Let's not fight over this. Ayokong masira ang araw ko.. Okay?" then I gave him a smile.
Tumango naman ito sa pagsang-ayon. Ibinaba na nya ang mga maleta mula sa sasakyan at saka namin inisa-isang ipasok ang mga ito.
"Wow. It's neat and very welcoming.." sabi ko.
"Yeah. Pinaayos namin ni Mama para maging kumportable ka. Umakyat ka na, nasa left side ang kwarto mo. Dadalhin ko na lang sa tapat ng pinto ang mga gamit mo."
Kumunot ang noo ko. "Kwarto ko?"
Pumula ang pisngi ni Kenneth sa tanong ko. Huli na ng marealise ko ang tinanong ko sa kanya.
"Yes. Ayoko namang mailang ka. Magkasama na rin naman tayo sa iisang bahay kaya ayos lang na maghiwalay na tayo pagdating sa kwarto."
Hindi ko na sya pinansin at agad na nagtungo sa aking kwarto. Disappointed? No. Of course, not!
I heard soft knocks outside my door. "Pasok."
The door immediately opened at agad na iniluwa nito si Kenneth hatak ang maleta ko.
"Pakilagay na lang dyan at aayusin ko na lang mamaya."
"Dalian mo na lang para makapag-lunch muna tayo bago mag-enroll."
Tumango naman ako sakanya. "So, tuloy ka sa SEA?"
Nilingon nya ako bago sya tumango. Napangiti na lang ako ng lihim dahil hindi nya masisira ang aking araw kapag nasa eskwelahan na.
"Lalabas lang ako para makapag-ayos na rin ng gamit. Wag ka masyadong magtatagal."
Kumain kami sa isang restaurant malapit sa Lopez at nagpunta agad sa eskwelahan.
"Dala mo ba iyong online form mo?"
Muntikan ko ng masunot ang sarili ko sa tanong nya. "Fvck. Ah.. I'm sorry. Nakalimutan kong damputin sa kama kanina."
Tumango lang sya at agad hintak ako papunta sa isang building. "Wait.. Sa registrar dapat tayo, di ba? Kelangan mong magpa-enroll!"
Ngumisi lamang ito sa akin. Pumasok kami sa isang familyar na opisina at napangiti na lang kami ng abutan namin si Miss Georgina kay Miss Niña.
"I'm sorry for the disturbance but--"
Miss Niña rolled her eyes that made me smirked. "Yeah. Tatawag lang ako sa registrar para maprocess na."
"Nakalimutan nyang dalhin yung form nya, e."
"Oh. It's okay.. Basta alam ko iyong registration number mo, Gabbi."
"Good thing, I remember!" natutuwa kong sabi. Agad akong lumapit sa desk ni Miss Lopez at isinulat ang aking registration number.
"Okay na." nakangiti nitong balita sa amin ni Kenneth. Bumaling sya kay Kenneth. "Sigurado ka na ba? Hindi mo ba--"
"Yes. Thanks, ate, for the big help."
Tumango ito. "So, check your email later tonight. Ako na ang magsesend sa inyo ng schedule nyo."
Nagpaalam kami ng mabuti kay Miss Lopez at agad ring umuwi. Hapon na ng makauwi kami dahil sa dumaan pa kami sa grocery store. Inaayos ko sa loob ng ref lahat nang makita kong pababa na ito sa aming sala.
"Oh, bihis na bihis ka. Saan ang punta mo?"
Gulat itong tumitig sa akin. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa pagkagat ko dito. Nakaka-ilan ka na ngayong araw, Gabbi! Sht! The hell!
"Hmm. I'm meeting a few friends na makakasama ko sa Lopez. Bakit?"
"Ano.. So hindi ka dito maghahapunan?"
"Baka hindi na. At baka gagabihin rin ako. Make sure you'll lock all our doors and windows, okay?"
Umalis rin naman sya agad. Maaga na lang akong nagluto at dinala sa hardin ang hapunan ko. Bukas ang ahat ng ilaw dito at payapa naman ako.. Habang kumakain ako ay nahagip ng aking paningin ang katapat naming bahay. Malaki kasi ito. Bumukas ang ilaw ng isang kwarto na mula sa ikalawang palapag.
Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain at saka humihinto ako kapag tumitingala ako sa kalangitan.
Nang matapos ako ay dinampot ko na ang aking baso at pinggan. Muli akong sumulyap sa naka-ilaw na kwarto..
Tumakbo ako papasok ng bahay dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Kitang-kita ko iyon... Iyong ngiti nya habang kumakaway sa akin!
What a fvckin' angel I just saw!
BINABASA MO ANG
I Can't Make You Love Me
General FictionDate Started: July 11, 2016 Date Finished: --- I was scared of leaving you because you've been left too many times. I was scared of hurting you because you might hurt me too. I was scared of loving you because I know from the very beginning th...