Chapter 13

35 1 0
                                    

13
"Akin sya at wala akong balak na hayaan syang makuha ng kahit na sino."


"Saan ka galing? Iniiwasan mo ba ako, Gabrielle?" his cold voice sent me thousand of shivers.


"Busy lang ako. Lagi ako sa library."


Tumango ito pero malalim pa rin ang titig nya sa akin. "Magbihis ka na para makapaghapunan na tayo." utos nito.


Ngumiti naman ako. "Hindi na. Kumain na kami nila Rijane bago umuwi."


Padabog itong tumayo mula sa pagkakaupo sa aming sofa at lumapit sa akin na kuyom ang mga kamay.


"What's wrong with you?" matigas na tanong pa nito na syang nagpaatras sa akin.


"Nothing."




"Then do you have a problem with me, huh?"


"Wala rin. Busy lang talaga ako ngayong linggo." pagdadahilan ko.



"Talaga?" nanunuyang tanong nito.



"Talaga." matapang na sagot ko bago sya tinalikuran.



Naglock ako ng pinto at saka nagpahinga bago naisipang magbabad sa shower. Ang totoo kasi nyan palagi kaming lumalabas nila Rijane at Aury kasama sina Azrian. Simula nang magkita kami sa Oval ay naging malapit na kami sa isa't isa. Maaga rin kaming lumalabas sa room para hindi ako abutan ni Kenneth.




"So to make the story short.. I met a bully that became my best friend then he bullied me again so I confessed that I like him. Then, it just happened that our family did this old trick on us kaya kami magkasama sa iisang bahay. He's sweet today and the next day he turned into a jerk.. and ended up being with you, guys."




Rijane clapped her hands before Azrian commented. "He's an asshole." na sinang-ayunan nilang lahat.





"Wag kang mag-alala. We'll try our best to keep you happy para hindi mo sya inaalala palagi."



"Why don't you ask your mom to stop this?" seryosong tanong sa akin ni Azrian.



"Kung sana ganoon lang kadali.. She's my mom and I don't want to be a disppointment. And besides, kung wala naman talagang mamamagitan samin ay hindi nila kami mapipilit."


"What if in the long run he falls in love with you? And.. what if.. what if.."



Tumikhim si Aury upang bawiin ang atensyon ko kay Azrian. "What if? Ituloy mo, Azrian.." panunuya nito at kinantyawan na sya ng iba pa nyang kaibigan.




I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon