22
"It was all clear, I am free. But why do I feel so lonely?"
"So you're back to work."
Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa taong nakatayo sa aking harap.
"Azrian!"
"Oh, I thought you've forgotten about my name too." seryosong sabi nito. Umupo sya sa maliit na tanggapan sa loob ng opisina ko. Napahilot ako sa aking sentido bago tumayo at sumunod.
Hindi ko alam kung anong dapat kong ipambungad sa kanya dahil sa pagkakatanda ko'y hindi ko tinanggap ang inaalok nyang kasal.
"I'm sorry.." I was sincere but my voice was shaking.
"Sorry for what?" walang-gana nyang tanong.
"For letting you down."
Hindi ko alam kung tama pa bang nag-uusap kami ngayon.. Tanging nararamdaman ko ay hiya and I feel sorry for him.
"Hindi naman mali na piliin natin kung saan tayo mas sasaya. Piniling naging masaya ng mahal ko kaya pipiliin ko ring maging masaya para sa kanya. Masakit lang na hindi ako yung tamang tao na makakapagbigay non sayo."
Hinaplos nya ang aking buhok. Gusto ko mang huminga na ng maluwag ay hindi ko pa rin magawa.
"Siya pa rin, 'di ba? Siya pa rin ang mahal mo?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumayo. Nagpunta ako sa veranda ng aking opisina.
"Ayokong pag-usapan, Azrian."
"Dahil ba kasal na sya sa iba?"
Hindi ko alam kung bakit sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng inis sa kanya.
"How can you be so insensitive about this matter, huh? Kelan ka pa naging ganyan?"
He smirked at me. "Because I want to know what you truly feel.. You left without a word after you rejected my proposal! And I know it wasn't just because of him.. May mas malalim ka pang dahilan at iyon ay dahil mahal mo pa rin--"
"Azrian!" sumigaw na ako dahil hindi na ako nakapagtimpi.
"Please, atleast let me know why.."
Humakbang ako palapit sa harapan nya at tinitigan syang mabuti.
"Oo, Azrian. Siya pa rin.. Mahal ko pa rin si Kenneth. Pero hindi sya ang dahilan kung bakit umayaw ako sa alok mo. Umayaw ako dahil ayokong maging unfair sayo.. I've been selfish enough for keeping you a very long time. Umayaw ako dahil alam kong hindi tayo sasaya. Umayaw ako dahil this time I want to choose what I really want. I want to set you free because you deserve your freedom. I want you to be found by someone who's worthy enough of your whole. I want you to find the same happiness and love that someone else could give you. Because it'll never be me.."
Huminga ako ng malalim matapos kong sabihin sa kanya ang saloobin ko. Kinakalma ko ang puso kong punong-puno ng guilt dahil alam kong masakit ito at hindi madali para sa kanya..
Tumango ito at nagpahid ng kanyang luha. "Thank you.. I was deserving enough of your explanation." hinaplos nya ang aking pisngi tulad noon kapag naglalambing sya. "I want to give your freedom too. I want you to have your happiness that you truly deserve even if that happiness is what I can never give you by myself."
He kissed my temple before turning his back. Habang naglalakad sya palabas ng aking opisina ay hindi ko mapigilang hindi umiyak.. He was my saviour and my bestfriend.. He stood by myside when no one else was there for me. I just lost the most very important person I could ever have.
"Gab? Gab!" ang boses na iyon ang syang lalo lamang nagpaiyak sa akin.
"Rijane.. I've hurt him. I'm so sorry!"
Hinawakan nya ang aking mukha at patuloy na pinalis ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata. She hugged me for comfort.
"He loved you.. He loves you, Gabrielle. Gusto ko mang magalit sayo dahil saksi ako kung paano ka nyang hindi pinabayaan. Pero I can't blame you.. and this," sabay turo sa aking puso. "Natuturuan naman natin ang damdamin natin, e. Iyon nga lang, isip ang mapapagana at hindi puso. Alam kong may rason ka sa mga desisyon mo at susuportahan kita.."
I cried until I felt exhausted and fell asleep. It was all clear, I'm free. But why do I feel so lonely? Bakit parang dumidilim ang mundong nakikita ko sa hinaharap?
Malalim na ang aking tulog ngunit nagising ako sa tunog ng aking cellphone.
"Hello?" tingin kong maayos naman ang pagbati ko.
"Gabbi, anak?"
Agad namang nagising ang diwa ko. Bumangon ako sa aking pagkakahiga.. Madilim pa sa labas dahil alas kuatro pa lang.
"Tita Cindy?" gulat na pagtawag ko sa kanyang pangalan.
"Good morning! Alam kong naka-istorbo ako sa pagtulog mo.."
"No! No, Tita.. It's fine. May problema po ba?"
"It's about my son and his wife.."
Yeah. Her son's wife.. Ilang beses ba dapat na ipamukha sa akin yan?
I cleared my throat so I could answer her without my voice breaking.
"What about them po?"
Rinig na rinig ko ang paghinga ng malalim ni Tita Cindy sa kabilang linya.
"Can you please come over?"
"Po?"
"Can you please come over? Please, anak.. I know I'm asking for too much but I just want to make Miracle happy."
Wow. Just wow! Even Tita Cindy would do anything just to make her son's wife happy. Bigla na lang akong nakaramdam ng inggit. Kung hindi ba ako nagmatigas noon ay kami kaya ang kasal ngayon? Kung sinabi ko ba noong mahal ko sya ay tatagal ba kami hanggang sa umabot kami sa ngayon?
"Sure, Tita.." masochist! "But can I ask why?" lito kong tanong. Bakit nga ba tungkol kay Miracle ito?
"She wants to help my son.. to remember." her voice was full of shyness. Ayoko man sanang tanggapin ito ngunit malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Kenneth na kahit ano pang hilingin nila'y gagawin ko.
"Ah.. I'll be there at 6am po. I'll just take a bath, Tita."
Nagpasalamat ito ng ilang beses sa akin bago tinapos ang tawag. Habang nag-aayos ako ng sarili ay hindi ko mapigilang mapaisip. Anong kailangan ni Miracle? I don't need to meddle with them. I have my own life to live..
As I park my car outside their gate.. Someone's seems to be waiting for me.
"Gabbi.."
BINABASA MO ANG
I Can't Make You Love Me
General FictionDate Started: July 11, 2016 Date Finished: --- I was scared of leaving you because you've been left too many times. I was scared of hurting you because you might hurt me too. I was scared of loving you because I know from the very beginning th...