Chapter 11

38 1 0
                                    

11
"Can I make you love me?"



"Hindi mo na dapat sya pinatulan, Kenneth. Baka lalo lang tayong pag-initan nila Azrian."

Tinapos nyang punasan ang huling pinggan. "Hindi sya pwedeng mag-angas ng ganoon lalo na't wala ka namang ginagawa sa kanya."

Sinuntok ko ang braso nya, hindi naman sya dumaing. "Natutuwa ako sayo na ganyan ka na mag-isip ngayon.. Pansin ko nga, papasa kayong magkaibigan kung nagkataong nagkakilala kayo noon pa. Naaalala ko, ganyan ka sakin noon.."


Nagtataka syang humarap sa akin.. Malalim syang nag-isip bago nagsalita.

"Hindi mo na sya lalapitan simula ngayon."

"Hello? Siya ang lumalapit sa akin. At hindi ko na rin kakausapin iyon. Kota na sya sa akin ngayong araw."

Umiiling naman ito habang hinahatak ako papuntang hardin. Naupo kami sa bermuda grass.

"Tingin mo.. Anong pwede nating gawin dito sa garden? Padagdag ba tayo ng bulaklak or magpalagay tayo ng maliit na pool?"

Nginitian ko sya doon sa huling binaggit nya. Iyon din sana ang sasabihin ko sa kanya.. Maluwang ang garden na pupwede pang lagyan kahit malaking pool pa.

"I guess, it's the pool.." pitik nya sa ilong ko.

"Huy, hindi ah!" tanggi ko. "Pero pwede ring pool at magpadagdag ng mga halamang bulaklak."

Naaalala ko kasi si mama.. Mahilig kasi ito sa mga aalagaing bulaklak.

"Then, I'll tell mama to send some workers."

"Kailan?" excited kong tanong.

"Bukas, para masimulan na ng maaga.."

"Agad?"

"Yep. Para 'di ka mabore dito.."

Nginitian ko sya ng malawak. "Tayo, Ken.."

Again, for the nth time.. Nahiya ako sa sinabi ko kaya niyakap ko na lang sya para hindi nya ako makita. Pero mas nakakahiya pa pala iyon kesa sa sinabi ko!

Then we heard the bell rang. "Hmm. Ako na ang titingin.." nahihiya kong pagkakasabi sa kanya.


"Tayo, Gabbi. Tayo." pang-iinis nitong may halong kapilyuhan.

"Tigilan mo ako, Ken." pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko.


Magkahawak-kamay pa kaming nagpunta at nagbukas ng gate.. Pilit kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya ng mapagtanto kung sino ang nasa labas pero hindi nya ito pinakawalan.

"Gabbi.." mahinang tawag ni Aury habang nakatingin sa kamay naming magkahawak ni Kenneth.


Nilingon ko naman si Rijane na nakatingin sa lalakeng nasa likod ko na halos nakayakap na sa akin. "I.. We're sorry to disturb the both of you pero kasi nakita namin kayo kaya naisipan naming ayain sana kayo."

Nilingon ko si Kenneth na ngayon ay may pagtataka sa kanyang mukha. "Yayain? Saan?"

"Ah.. Dyan sa katapat lang ng bahay nyo." ilang na sagot ni Aury.


"Ahh. Ikaw pala ang nakatira dyan? Mabuti naman para--"


"Hindi.. Hindi kami, Kenneth. Hindi ba nasabi ni Gabbi sayo? Or hindi mo ba alam?" tanong ni Rijane na naliliwanagan na.


"Ang ali--"

"Si Azrian ang may-ari ng bahay dyan sa tapat, Ken." pagpuputol ko. Nakita ko ang pag-iiba ng mood nito kaya agad kong binalingan sina Aury.

"Guys, I'm sorry pero--"


"Gabbi, papasukin mo muna ang mga kaibigan mo." utos nito sa akin bago bumitaw sa kamay ko. May tila karayom na tumusok sa dibdib ko. Bakit ganun? Nasasaktan na naman ba ako?

Yayayain ko na sana sila sa loob ng hinila nila ako palabas ng gate.

"Geez! I'm sorry! Nakaistorbo na talaga kami sa inyo.." nababahalang sabi ni Aury.

Umiling naman ako sakanya at ngumiti.


"Ang totoo nyan, nakita ko kayong dalawa ni Kenneth na naglalambingan sa hardin nyo. Nasa kwarto kasi kami ni Azrian kanina.."

"Sorry kung hindi ko man nasabi agad sa inyo na totoong magkasama kami ni Kenneth sa iisang bahay. Mahabang istorya kasi.."

"Ayos lang. Kakakilala pa lang naman natin.. We all have the time to get to know each other naman. Pero sana hindi namin kayo naistorbo, baka magalit si Kenneth."

"Moody talaga ang isang iyon. Ako na ang bahala. Sorry, hindi ako makakasama sa inyo. Alam nyo naman na nagkakainitan iyong dalawa."

"Ah, Gabbi.. Wag kang mag-alala. Ako ang bahala kay Azrian. Hindi na kayo guguluhin non.. Kakausapin ko sya mamaya."


"Mabuti pa nga. Kasi ayoko ng gulo, e. Wala naman akong atraso sa kanya, e."

Nagpaalam naman sila sakin. Agad akong tumakbo papasok ng bahay at naabutan ko namang nanonood na si Kenneth sa aming tanggapan.

"Ken.."


He pouted at saka tinapik ang kinauupuan nyang mahabang sofa na parang inuutusan akong maupo doon.

"Hindi mo sinabi.."

"Kasi hindi ko naman alam na sa Lopez rin sya mag-aaral. I just saw him few times but it was the first time na nagkausap kami kanina."

Tumango ito kaya lumapit na ako para maupo sa tabi nya. Inakbayan naman nya ako at inilapit ng mabuti sa kanya.

"Hindi ko gustong tratuhin ka ng kahit sino ng ganoon ulit. Don't let them ruin you, alright?"

"Yes, sir!"

Tumawa ito at saka ako niyakap.. Ramdam na ramdam ko ang pagpayapa ng paghinga nito.

"Gabbi, I'm sorry.. Sa lahat."

Ngumiti ako kahit alam kong hindi nya makikita. Niyakap ko rin sya para maramdaman nyang ayos na ang lahat sa amin.

"Ken."

"That's right, baby.." in his husky voice.

Agad kong itinulak ang dibdib nya palayo sakin pero mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Ken.." ilang kong pagbanggit sa pangalan nya.

I heard him sigh.. Sa lalim ay parang may mali syang nabanggit. He patted my head before letting me go. Tinitigan nya ako bago nginitian. Inihiga nya ako sa sofa at ipinatong ang aking ulo sa kanyang hita. Nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata na nakatuon ang atensyon sa pinapanood.

"Can I make you love me?" bulong ko na tila halos ako lang ang nakarinig non. Habang titig na titig ako sa kanya ay bigla itong yumuko para lingunin ako.

"I'm happy, Gabbi."

I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon