Pagdating namin ni Baek sa bahay, si Chen nakain. Si Chanyeol, nanunuod. Nung narinig nilang pumasok kami, biglang nakuha namin yung atensyon nila. Pero saglit lang, bumalik din sila sa kanya-kanya nilang gawain. Si Baekhyun, dumerecho na rin sa kwarto niya. Ganyan naman yan eh. Pagkauwing-pagkauwi, gagawa ng assignment. Sipag.
Umakyat ako papunta sa kwarto ko. Hindi ko alam, parang pagod na pagod ako ngayon. Feeling ko, dala ng stess kay Kai at sa pambabadtrip ng kupal na Kris na yon. Pero heh. Andito na ako ngayon sa kwarto. Me, my kama and my unan. YEAH.
Binagsak ko yung katawan ko dun sa kama ko. Haaaaaay! Ang sarap humiga! Yeah. Napansin ko bigla yung mga apat na stars sa kisame ko. Nakatingala kase ako. Yung apat na stars na yun, yung nagsi-symbolize sa friendship naming apat. :>
Di rin nagtagal, tumayo ako at nagbihis. Nilabas ko yung pajamas at yung sweater ko. Ang lamig kaya. Tapos inayos ko din yung bag ko, sinabit ko dun sa bedframe. Nakita ko yung water jug ni Chanyeol.
“Oooops. He must be going crazy looking out for this.”
Kaya naman dinala ko yung jug niya at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Chanyeol, paikot-ikot sa kusina.
“Errrr! Nasan na ba yun? Naega michyeoooo!” sabay kamot sa ulo, bwisit na bwisit na kakahanap sa pesteng jug na all this time, nasa akin lang pala. Hahaha.
“Babes. Are you looking for this?” tas tinaas ko yung jug niya.
“Omo! Ayun! Kainis naman eh! Kanina pa ako nahihilo kakahanap.” At kinuha niya yung jug niya sakin. “Bat nga pala nasayo to Babes?”
“Babes, pinahawak mo yan sakin kanina. Tapos poof! You’re gone.” Tas kinurot ko siya sa pisngi niya. Ang cute kase. Napaka-evident ng cheekbones niya. Tapos nagbblush.
Wait. If you are wondering kung bakit pag naguusap kami ni Chanyeol, may ‘Babes’ is that, yun po yung tawagan naming dalawa. I mean, yun yung tawag ko sa kanya na ginaya niya. Ang tawag ko naman kay Chen, Chenpot, tas ang tawag niya sa akin, Yuripot. Ang tawag ko kay Baek, ay syempre, Baekla. Pero siya lang talaga yung tanging tao na walang tawag sa akin. :<
Biglang lumabas si Baekhyun sa kwarto niya. “Oy! Nuod tayo movie?”
Napatingin kaming tatlo. At dahil diyan, napatakbo ako sa mga kwarto at kumuha ng mga unan at blanket. Si Chen, napakuha ng pagkain sa ref. Si Chanyeol naman, ayun. Taga-set-up ng DVD Player. Si Baekhyun yung may-ari ng mga cd. Hahahaha.
Nang nakapwesto na kaming tatlo nina Chen at Chanyeol sa sofa, nagtanong si Baek. “Anong papanuorin natin?”
“DESPICABLE MEEEEEEEEEEEE!!” sigaw ni Chanyeol. Bigla siyang kinutusan ni Baek. “Pambihira Channie. Ilang beses na nating pinanuod yun, mga walong beses na yata!”
“Sige na Baaaaaaek! Ang cute kaya ng mga minions!” yumuko siya at nagpout.
“American Pie! Meron ka Baek?” nakangiting sabi ni Chen.
Ako naman ang bumatok sa kanya. “Bastos ka Chenpot.”
“Eh! Para maiba naman! Puro kasi pambata eh!” – Chen
“Gusto mo maiba? Osige, Baek, meron kang Insidious?” nakangiti kong sabi kay Baek.
“INSIDIOUS? ANO YUN?” sabay na tanong ni Chen at Chanyeol.
Nagngitian kami ni Baekhyun. “Maganda yun.”
Pinasok na ni Baek yung CD ng Insidious. Actually, kami lang ni Baek ang nakaka-alam na nakakatakot yun. Pero di pa namin yun napapanuod. Alam lang namin, nakakatakot yun. Pinindot ko na yung Play button.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Baekla: Gayness level 1000%
FanfictionNagsimula sa pagkakaibigan... Nauwi sa pagkakaIBIGan. :> CHOSZ HAHAHAHAHAHA WHAT IF MALAMAN MO NA YUNG BESTFRIEND MO NA INAKALA MONG BADING FOR ALMOST ILANG YEARS, AY MAGTAPAT SAYO NA GUSTO KA NIYA? SAMAHAN NATIN SI YURI AT SA MGA KAGAGUHAN NG BARKA...