Chapter 6

467 18 1
                                    

“Yuri, I like you.”

Nakakainis talaga. Kanina pa yan nagfflashback. Well, di naman sobrang kanina, sakto lang. Kasi naglalakad kami ngayon ni Kris papuntang school. Ayokong magsalita. Na-aawkwardan ako sa kanya. Seryoso.

Nakayuko lang ako habang kasabay ko siya maglakad. Pinapanuod ko lang yung paa ko habang naglalakad kasi ayoko talaga makipag-usap. Maski nga siya eh, ang tahimik eh. Pero di rin nakatiis.

“Yuri.” – Kris

“Oh?” – Ako

“Ba’t antahimik mo?” – Kris

“Eh kasi pogi ako.” – Ako

“Pshhhhh.” – Kris

Woooh. Kaya mo to Yuri, pogi ka. Wag kang mailang. Kalma ka lang.

Buti na lang, malapit na kami sa school.

“Pero real talk Yuri, seryoso ako.” Ang lalim pala talaga ng boses ng kumag na to no.

“Na?”

“Na gusto kita. Gusto kitang ligawan. Hindi ko alam. Na-love at first sight ako sayo.” Share mo lang??

Medyo nagtapang-tapangan ako at tinignan ko siya. Shet. Nagsisi ako bigla nung tumingin ako eh, ang lagkit pala tumingin. All this time, habang naglalakad kami, sakin lang yung tingin niya! Dapat pala may isang bato at nadapa siya at sumubsob siya sa tae ng kalabaw no, para magtigil na siya sa kalandian niya. Nakakatakot. -________-

“Okaaaay!” napahinga ako nang maluwag nang makatungtong kami sa entrance ng school, “Tama na yang kalandian na yan. Andito tayo para mag-aral.” Shet. Ano ba tong sinasabi ko? At kelan pa ako natuto sa salitang ‘ARAL’? XD

Pero kahit nasa campus na kami, parang ang haba pa rin ng lalakarin namin. Bago ka kasi makapunta sa room namin, dadaanan pa namin yung canteen, tas yung TLE Room, tapos locker area, tapos yung office ng level head chuchu tapos hagdanan tapos aakyat ka dalawang hagdan tapos maglalakad ka pa ulit kasi nasa bandang likod yung classroom namin tapos yun na. Odiba, anlayo. Leshe lang.

Muli, binasag na naman niya yung katahimikan.“Oo nga pala, I never thought na magkapatid kayo ni Park Chanyeol? Parang ang layo naman?”

Ay oo nga pala no, nakita pala niyang nasa bahay kanina si Babes. Paktay. Anong idadahilan ko??

“Ah… eh…” oh may gad.

“Hindi ko siya kapatid.”

“Oh? Eh ano mo siya?”

“Bestfriend.”

“Eh bakit nandun siya kanina? Ang aga niya ha. Mas maaga pa sakin. Ayoko nang may mas maaga pa sa akin sa bahay ninyo.” Shunga. Kahit anong aga mo, sila lang talaga ang mauuna kesa sayo, never silang aalis sa bahay kasi nakatira din sila dun! Wew.

“Errrr…”

“Hmm?”

“You see… Uhmm….. We’re living in the same house…” nakayuko kong sabi. Nahihiya kase ako. Okay lang kung matagal ko na siyang kaklase, kase alam naman nilang lahat na kaming apat ay parang magkakapatid na nga dahil nga sa mga kalokohan namin sa school, pero kasi si Kris, ibang usapan na eh. Transferee siya dito, so parang nakakahiya sabihin… Teka nga, pakealam ba niya? Wew.

My Boyfriend is a Baekla: Gayness level 1000%Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon