Pagdating ko sa classroom, medyo madami na ring nandun. Nakita ko si Chen, nakikipagtawanan sa tropa niya. Pumunta ako sa upuan ko at nilapag ko yung gamit ko. Wala pa si Kris. Wala din si Jessica. Walang makausap. Maya-maya, dumating na rin si Baek. Direderetso siyang pumunta sa upuan niya at naglapag ng gamit.
“Oy Sexy Baek!” tinawag ko siya.
“Yeees??”
“Uhmm.. Wala lang. Wala akong makausap eh.”
Napairap siya. “Aysha. Okay payn.”
“Kamusta naman lovelife mo ngayon?” nagsmirk ako. Lovelife kasi ang isa sa mga bagay na iniiwasan ni Baek na pag-usapan e.
“HAH?!”
“Bingi lang?” Ako naman nang-irap.
“Eh. Alam mo namang di ako interesado sa mga ganyang bagay eh.” Kinuha niya yung loose powder niya sa bag at nagpulbo ng mukha.
“Ako. Dali. Girlprenin mo ako. Sasagutin kita agad.” Tas tumawa ako. Napatigil naman siya sa pagkuskos ng pulbo sa mukha. “Kung pwede lang eh.”
“Anooooo?”
“Wala, sabi ko, ang sexy ko.” Kumuha pa siya ng salamin para i-check kung maputi yung mukha niya.
“Ay ang vain.” –Ako
“At least, marunong mag-ayos ng sarili. Eh ikaw?” bumelat lang ako sa kanya. Tse.
Kinuha niya yung pulbo niya. “Halika dito.” Syempre, lumapit naman ako kasi masunurin akong bata. Hahaha.
Naglagay siya ng pulbo sa kamay niya at unti unting nagpahid sa mukha ko. “Ikaw bruha ka, mag-ayos ka ng sarili mo. Pano kita gegelprenin niyan kung mas matino pa ako mag-ayos kesa sayo?” at kinuskos din niya yung mapuputing areas.
Nag-instant kamatis ako. Hahaha. Nakakahiya. Pero okay lang. Gusto kong pinupulbuhan ako ni Baek. :D
“Oh ayan.” Sabay sinampal yung magkabilang pisngi ko, yung mahina lang.
“Ano ba yan!” inirapan ko siya. “Tssss.”
“Oh ayan na yung friend mo. Inaabangan ka yata oh. Ano yan, crush ka ba niyan?” nakatingin siya sa likod ko.
“Nino? Sino??” tumingin ako sa likod ko. Si Kris. Andito na pala tong kupal na to.
“Crush? Hahahaha. Hindi ko crush yang girlfriend mo no.” tumawa siya, labas gilagid. Utang na loob, mas nakakatawa pa yung gilagid mo eh.
“Girlfriend? Sino? Si Yuri?” nagulat si Baek. Please lang Baek, sakyan mo to pleaaaaase.
“Yep. She told me yesterday that she’s your girlfriend. Right?” at medyo nginingitian niya ako and something. Ughh. Ako naman, medyo awkward smile.
Nagsalita si Baek. “Hindi ko girlfriend yan. Asa ka diyan.” Aw Baek. *laslas sabay talon building*
“Oh? Kabog ka pala Yuri eh. Hahahahahaha!” tumawa na naman siya. Sa totoo lang, kahit walang joke, patawanin mo lang si Kris, siguro matatawa na ako. Makita ko lang yung gilagid niyang nagsha-shine bright like a diamond, parang gusto ko nang humagalpak kakatawa eh!!
“K.” *le walks out*
Leshe. Umupo na lang ako sa upuan ko at natulog. Bwiset eh, nakita ko si Kris at Baek na tumatawa. Kpayn.
![](https://img.wattpad.com/cover/7918682-288-k222779.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Baekla: Gayness level 1000%
FanfictionNagsimula sa pagkakaibigan... Nauwi sa pagkakaIBIGan. :> CHOSZ HAHAHAHAHAHA WHAT IF MALAMAN MO NA YUNG BESTFRIEND MO NA INAKALA MONG BADING FOR ALMOST ILANG YEARS, AY MAGTAPAT SAYO NA GUSTO KA NIYA? SAMAHAN NATIN SI YURI AT SA MGA KAGAGUHAN NG BARKA...