Chapter 10

442 15 1
                                    

Chapter 10 na, pero wala pa ring nakakaalam kung sino si Yuri. Yuri. Siya si Yuri mismo. Hahahahaha! :> XDDDD YURI KAWASHIMA ------------------>

-

Nakabili na kami ni Baekla ng mga libro. Diary of a Wimpy Kid na lang yung binili ko para kay Chanyeol, mukha yun yata yung bet niya eh. Tas sakin Thirteen Reasons Why, kay Chenpot 50 Shades of Grey, tapos yung binili ni Baekla, ano nga title nun?? The Future of Us yata yun. Bahala na. Basta yun. Eh nakakapagod din kaseng maghantay nang matagal, tapos ang sungit pa ng kasama mo, akala mo, nireregla, edi napakain kami tuloy.

“Sexy Baek. Pagkatapos natin kumain, bili tayo ng inumin sa Starbucks ha.” Inayos ko yung kutsara at tinidor ko kase tapos na ako kumain. Yung isa naman, pasosyal kumain, nakaka-3/4 pa lang yata sa kinakain niya.

“Grabe. Ang gastos mo. May binili ka pang ano diyan oh.” Tinuro niya yung damit na binili ko kanina.

“Ah, eto ba? Sus. Minsan lang naman ako lumabas ng bahay eh. Kaya sinulit ko na rin.”

“Tapos hindi ka man lang bumili ng kahit facial wash mo??” ayan na, nakataas na yung isa niyang kilay.

“Hindi. Ahahahaha!”

 Inirapan niya ako. “Langya ka, ikaw tong umuubos sa facial wash ko eh.”

Tinawanan ko lang siya. Alam mo yun, ang dating sa akin ni Baek, big sister. Yung ganun. Di ko kasi naranasang magkaroon ng kapatid eh. Buntis kasi si mama nung naaksidente kami, at ang nakakainis lang, bakit ako lang yung naka-survive? Bakit hindi na lang ako sumama sa kanilang tatlo kung magiging ganito lang din naman yung kapalaran ko eh. Buhay nga naman, parang life.

Tumayo ako at hinila patayo si Baek. “Halika na, wag mo na ubusin yan, umuwi na tayo.” Nagpahila rin naman siya eh.

-

“Lu means ‘deer’ in Chinese. Tapos ang Han…. Hindi ko sure kung tama ako eh, pero something like ‘before the dawn’. Basta. Something like that.” Paliwanag ni Chen habang busy ako ng pagbabalot ng plastic cover para sa mga libro namin.

“Ah. Deer before the dawn? Cool. Pero tama, mukha nga siyang deer.” Bigla akong kinilig.

May lumipad na unan sa ulo ko at boom! Natamaan ako, tumba. “Aray ko! Grabe, anong ginawa ko sayo??” tinarayan ko si Baek na nasa hagdan, siya yung bumato ng unan.

“Kahit kailan talaga, napakalandi mo.” Inirapan na naman niya ako.

“Bakit ba? Masama ba magka-crush?? Eh ikaw nga, nagkacrush sa akin nung Grade 6 tayo eh.” Binelatan ko siya. Kala niya ha. Malandi daw. Sus. Parang siya hindi ah. ~.~

“Oh?”  - Chen

“Jinjja??” - Chanyeol

“Oo, nagkagusto sakin yan si Baek noon eh. Nababakla lang umamin at manligaw.”

Nabadtrip si Baek kaya bumaba siya sa hagdan at hinabol ako. Ayan na naman, habulan na naman kami.

“Hoy tama na kasi! Wag ka na nga manghabol!!” sinigawan ko siya kasi nararamdaman ko nang pagod na ako tumakbo.

“Aba! Tumigil ka na kasi, napakadaldal mo, halikan kita diyan eh!”

O.o

“Weh? Sige nga??” napatigil ako sa tapat ng hagdan, sa tapat din mismo nina Chen at Chanyeol. Nagpamewang pa ako. Taray!!

My Boyfriend is a Baekla: Gayness level 1000%Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon