<Yuri’s POV>
Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Kai. Pinasakay niya ako sa kotse niya at nagsimula nang mag-drive. Si Kai ang boyfriend ko na hindi ko sigurado kung mahal nga ba talaga ako. Basta ang alam ko, mahal na mahal ko siya. Pano nga ba naging kami? Eh kasi ganito yon.
Patay na patay ako sa kanya, dati pa. Tapos, yun. Tinanong ko siya, kung pwede ko siyang maging boyfriend, at wag kayong mag-alala, pumayag naman siya. Ang weird no? Ako yung babae, tas ako yung parang nanligaw. Eh kasi nga patay na patay ako sa kanya nun. Nung nalaman nina Baekhyun yung panliligaw and everything ko sa kanya, nagalit sila sakin, as in galit na galit. Hindi daw ako marunong umalam ng katayuan ko. Babae daw ako, kaya dapat daw, ako daw yung nililigawan, hindi yung naghahabol. Pero in the end, napatawad din nila ako. Wala na rin silang magagawa eh, saka pinagbigyan nila ako, kase nga first love ko talaga si Kai. Well, sort of nakakagulat nga yung pag-aask out niya sa akin ngayon for a date, kaya si Baekhyun, todo effort sa pagpapaganda sakin. That’s all.
Magto-two months na kami ni Kai, I mean, kaka-two months pa lang namin nung isang araw. So itong pagaaya niya sa akin lumabas ay medyo nakakawindang, kasi hindi naman niya talaga gawain yun, ni itext nga at kamustahin ako, hindi niya magawa eh.
Dumating kami sa isang resto. Wow. As in wow. Napanganga talaga ako kasi first time to! Promise! Pagpasok namin, pinauna naman niya ako, at ako rin ang una niyang pinaupo. Haaaay Kai. Bakit ba lagi mo akong pinapakilig?
Nung nakaupo na kami, magkaharap kami. Sobrang tahimik. At ang awkward ha. Nagulat na lang ako nung bigla siyang nagsalita.
“Umorder ka na.” ang seductive ng boses niya juskooo.
“Kahit ano. Gusto ko pareho tayo.”
“Uhmm, hindi ako oorder.”
Aba, eh bat mo pa ako dinala dito sa resto na to? Para makipagdaldalan? WOW TALAGA!!
“Ah. Eh anong gagawin natin?” yieeee kinikilig talaga ako. Hindi ko alam kung bakit.
“Look Yuri, I want to clear things out.” Tinitigan niya ako, mata sa mata. Jusko Kai, wag naman, malulusaw ako.
“Anong ikeclear mo?” namumula kong sabi.
“Yuri, let’s just stay as friends.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Wait. Ano daw yun?
“Yuri, let’s just stay as friends.”
“Yuri, let’s just stay as friends.”
“Yuri, let’s just stay as friends.”
“Yuri, let’s just stay as friends.”
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Baekla: Gayness level 1000%
Fiksi PenggemarNagsimula sa pagkakaibigan... Nauwi sa pagkakaIBIGan. :> CHOSZ HAHAHAHAHAHA WHAT IF MALAMAN MO NA YUNG BESTFRIEND MO NA INAKALA MONG BADING FOR ALMOST ILANG YEARS, AY MAGTAPAT SAYO NA GUSTO KA NIYA? SAMAHAN NATIN SI YURI AT SA MGA KAGAGUHAN NG BARKA...