Chapter 28

349 12 1
                                    

A/N: Ayo waddup ibriwan~ Uhuh!~ Poging Stepani in the house yo!~

Since matagal akong di nakapag-update, edi yon. Hahaha. Di ko alam e. Pero pramis, mapapadalas na rin to. Boring e. July pa pasok ko sa UST e. Hoooooooraaaaay! XD

Osya. Wala nang masyadong paligoy-ligoy pa. Kyungsoo-pot on the side~ :------)

VOTE. COMMENT. SHARE~ ♥ Labyuuuuuuuuun! ♥

-

<Yuri>

Nakakainis naman. Ano na naman bang ginawa ko?? Kanina lang, ang saya saya namin ah? Nagawa pa nga niya akong batuhin ng hairbrush e. Tapos ngayon, ako na naman yung kinagagalitan? Meron ba siya? Talong talo pa ako ah?? *pouts*

Dumerecho na lang ako sa kwarto ko, since magkatabi lang naman yung kwarto namin e, tapos parehong may terrace, kaya madali lang para samin ang magsneak sa bawat kwarto. Humiga na lang ako at nag-isip. Ano ba kaseng ginawa ko??

Magchecheck sana ako ng Facebook ko using my phone, nang mapansin kong nagtext na naman pala si Kai. Nagtext siya the moment na lumabas ako. Haaay. Hindi ko na rin alam e. Hindi ko na alam kung sinong pipiliin ko e. Ang hirap.

From: Pangarap

Pwede ba kitang sunduin sa Friday? We’ll go together at Kristine’s. Can we?

Hindi ko na nireplyan. Hindi ko kase alam. Seryoso. Nahihirapan na ako. Gusto kong sumabay kay Baekhyun kaso, alam kong galit siya sakin e. What’s more annoying is that, hindi ko alam kung bakit siya naiinis sakin. Waaaaaah mommy!! Ayoko na talaga. Ajujuju.

Pumunta ako sa terrace para magpahangin. Kaso, nakita kong nasa terrace din ng kwarto niya si Baek. May kausap siya sa phone. Sayang, hindi niya ni-loudspeaker, gusto ko marinig yung pinaguusapan nila. Hahahaha. Okay, ang chismosa ko. Nagtago ako dun sa may poste.

“Thank you talaga Kristine ha. You’re the best. Ikaw lang talaga ang maaasahan ko e. Kaya mahal na mahal kita e.” Nakangiti siya nang malawak habang kausap niya si Kristine. Awww. Kaya mahal na mahal kita e. Ang weird. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang ang sakit sa lungs?

“I love youuuuu forevs!!!~ Di ko na alam kung anong gagawin ko pag wala ka e.”

Shit. Baek. Whyyy?

 “Byeee. Goodnight. I love you. Thanks for everything.”

Ang sakit. Bakit kung kailan gusto na kitang piliin saka ka pa umayaw?

Pumasok ako dahil nafufrustrate ako. Bakit? Sobrang late na ba ako? Nagustuhan niya na ba ulit si Kristine unnie? Bakit ang sakit? Kasalanan ko to e, hindi kasi ako nagdedecide agad, kaya ayan. He just slipped away. I fished for my phone as tears started to fall from my eyes.

To: Pangarap

Sige. Sasabay ako sayo.

<Baek>

THANK GOD IT’S FRIDAY! Hahaha! Sa wakas, aalis na rin kami! Ang hirap kaya mag-stay sa iisang bahay with her. Alam mo yun. Di ko kayang magalit sa kanya. Gumagawa naman ako ng paraan para makipagusap sa kanya, kaso umiiwas naman siya. Ahhhhhh ewan ang gulo!

Lumabas ako ng kwarto and then nakita ko si Kai. Aga aga, andito to? Bakit?

“Oy.” Napalingon siya tas halata sa mukha niyang curious siya kung bakit ako nandito sa bahay namin. Hindi niya ba alam na we’re living in the same roof?

My Boyfriend is a Baekla: Gayness level 1000%Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon