Chapter 15

379 11 0
                                    

A/N: Hi. Hahahahaha. I don't know what to say, so.. Sana naman. Wala lang. Hahahahahaa. Sana magustuhan niyo tong chapter na to, ginawa ko kasi to sa klase eh. Hahahahahaha. Yung pakiramdam na ang lakas ng bagang ko na magsulat ng ganito habang nagkaklase yung teacher naming terror, eh ayun. Hahahaha. Kpayn. Chanyeol and Luhan on the side. ------------->

[FACT] Kris revealed at Kcon he once went on Tumblr. But the amount of TaoRis & KrisSica manips traumatized him and he has never returned.

cr: EXO Global Facts

^Medyo masakit. KrisSica shipper pa naman ako. T^T Okay game, eto na talaga. :)))

-------

“Hoy Yuri Kawashima!”

“Uy Yuri. Ikaw yata yung kinakausap nila.” Sabi ni krass.

Nagulat ako. “Hah?? Ano yon??” nasa kalagitnaan ako ng pagfaflashback eh!

“Kinakausap ka!!” nginuso niya yung tatlong babae na nasa harap ko. Wait. Yung isa pala, binabae. Yung mukhang kwago.

Tinignan ko sila. Head-to-toe. “Bakit? Anong problema niyo?”

“Ikaw. Ikaw ang problema namin.” Nagsalita yung mukhang platypus. Kamukha niya kase si Perry the Platypus!! Wahahahahaha! SHET!

“Luh te. Nu ginawa ko sayo? Di nga kita kilala eh, at wala akong balak kilalanin. Duh. Like ew.” Inirapan ko siya. Aba. Laki laki ng mata niya, tusukin ko yan eh.

“Pwede ba. Layuan mo si Chanyeol.” - Perry

“A. Yo. Ko.” - Ako

“Layuan mo siya, wag kang feeling. Bitch please!!” - Perry

“Wow ha, ako pa feeling? Tadyakan ko yang nguso mo eh. Bitch please? Bitch mo mukha mo.” Lintek na Perry to, low-batt na nga ako eh. Pero kahit low-batt ako, akala niya uurungan ko siya? Mukha niya, panget.

“How dare you say that to my friend?” osige magsama pa kayo. Para madami akong lalaitin today. XD Badtrip pa naman ako at ito yung mga oras na sarap na sarap akong magmaldita. XD “Sino ka ba sa akala mo?” aba sumasagot pa yung friend niyang hipon ha.

“Gusto mo talaga malaman ha?” nagcross-arms ako at tinaasan ko siya ng kilay. “Well, ako lang naman ang – “

“Girlfriend ni Chanyeol. Ang girlfriend ko.”

O___________________O

Bat nandito si Chanyeol?? Tignan mo nga naman ang timing. Mwahahahahaha! Beat that ugly ones!

Yung mga hampaslupa, halatang gulat.

“Ch-chanyeol oppa??” - Perry

“Op-pa??” - Kwago

“Hala girls, si Papa Chanyeol!!” – hipon

Wahahahahaha! Ano kayo ngayon?? PANIS!

“Oppa, kayo na talaga??” aba aba, naglakas loob pa talaga si Perry na magtanong! Ang kulit din ng lahi nitong platypus na to eh.

“Yes. We’re currently dating. So please stop bugging us. We need privacy.” Yeah! That’s my babes!! XD

Magsasalita pa lang sana si Perry kaso inunahan ko na siya.

“At isa pang lapit niyo sa boyfriend ko, manghihiram kayo ng mukha sa aso. Tsss..” sorry bishes. Maganda ako eh. :>

Napaalis tuloy sila after kong sabihin yun. May isa pang malakas ang loob na nagsalita. Feeling ko, si platypus yun eh.

“Kala mo naman kung sinong maganda.”

Hah. Ayos ka ah. “Kumpara naman sayo Perry, mas maganda talaga ako. Ganda-ganda ko eh, diba BABES?!” nilakasan ko talaga yung BABES para may emphasis at marinig ni platypus.

“Oo naman. Syempre. Ganda-ganda ng babes ko eh.” Kiniss pa ako ni Chanyeol sa cheek. Sakto! Lumingon sila nun! Wahahahaha! Simulan niyo nang umiyak bishes! XD

Anyare? Ayun! Nagsitakbo sila!! Bwahahahaha! Yeah!!

Tinalikuran ko na lang sila at umupo malapit dun sa poste at tinignan yung wrist watch ko. Omo, 4:15 na pala? 15 mins na lang, uwian na! YESSSS!

“Ganda pala ng timing ko no?”

“AY GAGO KA!!” punyeta. Nagulat ako! “Wag ka nga manggulat Chanyeol!! Bwisit to.” At pinaghahampas at pinagpapalo ko siya. Bwisit kasi, magugulatin pa naman ako. -_-

Napanganga tuloy sila pareho sa akin. “Grabe ka naman.” Sabi ni Yeol. “Ang OA mo.”

“Eh nanggugulat ka kasi!!” inirapan ko siya. “Bat ka nga ba nandito?”

“Wala eh. Tinatamad ako gumawa eh.”

“Hahaha! Yan tayo eh!” sabay nag-apir kami. Ang gara eh! Wag na po kayo magtaka kung bakit magtotropa kami. Hahaha.

“Uy! Yo Luhan!! Andito ka pala?!” sabi ni Chanyeol nang makita niya si Krass. Weeeee.

“Ah… Eh..”

“Oo. Kanina pa yan. Kasunod ko lang yan lumabas eh.” Ako na lang yung sumagot. Masyadong mahiyain si Luhan, kaya nga krass ko yan eh. Hahahaha. Landi mode: ON.

Tumingin si Chanyeol kay Luhan. “Alam mo, masyado kang mahiyain. Parte ka na ng tropa namin. At sa tropa natin, di uso ang hiya-hiya!! Let out the beast man!!” hahaha! Mungag to si Yeol. Pero sabagay, may point din naman siya. Sa tropa namin, bawal ang tahimik.

Ngumiti si Luhan sabay yuko. “Pasensya na ha, hindi kasi talaga ako lumaki na may mga kaibigan eh.”

“Well, let’s change that!!” inakbayan ko siya. (Oy Yuri, dumadamoves ka ha! Pakyeol ka!! XDD) ngumiti siya sakin. Teka lang ha. Nalaglag yata yung panty ko. :””””””>

“Sure.”

My Boyfriend is a Baekla: Gayness level 1000%Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon