"For the lady who inspires me to create this kind of writing. I'm not really a fan of FF but due to involvement and being part of her world and her family, crazy stuffs keep on running in my head. Thank you for believing in me. Keep up your good work. Keep on improving and keep on writing. I love you, Miss WeirdInDisguise."
EITHAN
"Ahh!" Isang matinding hikab ang pinakawala ko habang nag-uunat pababa ng hagdan. Kakagising ko lang kasi at nagugutom ang laman loob ko. Alam niyo namang hindi pwedeng nagugutom ang gwapong tulad ko.
"Ako muna kasi!"
"Honeybear matagal pa ba yan?"
"Gusto ko ng pancake!"
Kinilabutan ako sa nasaksihan ko pagkadating ko sa kusina. Tila dinaanan ng bagyo. Ang mga plato nakakalat sa kung saan-saan. Yung kaldero nakasalang sa kalan at may kung anong kulay berde ang lumalabas doon. May natapon na harina. May durog na kamatis sa pader. Si Kate binabato ng grapes si Miguel. Si Jane pinipingot si Vince na balot ng chocolate ang mukha. Si Troy nagbabasa ng libro tungkol sa mental illness samantalang si Ella ay nakasubsob ang mukha sa plato.
Nilibot ko ang tingin ko kung tama ba napuntahan ko o tama ba 'tong bahay na napasukan ko.
"Bangungot ba 'to?" Wala sa isip kong sambit.
"A-anong?!" Mas lalo akong kinilabutan nang makita ko si Kim sa tabi ko na nababalutan ng itim na aura. Walang ano ay napaatras ako at tumama ang likod ko sa pader dahilan para matumba ako.
Ano bang nanyayari dito? Gusto ko lang kumain. Bakit tila nasa horror movie ako? This is not happening!
Gumapang ako papuntang sala para makalayo sa delubyong meron sa kusina pero habang gumagapang ako may tumama saking unan.
"Walangya ka Niel! Bakit mo nilipat yung channel?! Asar 'to!" Reklamo ni Cloe habang pinaghahagis ng kung anu-ano si Niel.
"Ibabalik ko na kay Spongebob basta wag lang yang vase Cloe. C-cloe! Ito na nga ililipat na–aaahhh!" Napasigaw na lang si Niel habang umiilag at tinatakasan ang mga flying things ni Cloe.
Napatago na lang ako sa likod ng sofa dahil ayokong mataman ng falling debris mula sa binatong vase ni Cloe kay Niel na muntikan nang tumama sa mukha niya.
Hindi ako handa dito. Bakit biglang nagkaroon ng giyera? Tatawag na ba ako albularyo para i-bless ang bahay na 'to? Wala na ba akong ibang kakampi? Magtataas na ba ako ng– teka anong amoy yun? Bakit parang may...nasusunog?!
Bigla akong napatayo sa pinagpupwestihan ko nang biglang tumunog ang smoke alarm at bumukas ang shower. Ano ba! Wala sa schedule ko ngayon ang maligo!
Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa nangyayari. Padabog akong naglakad papunta sa kusina kung saan may lumalabas na itim na usok. Walang lakas kong hinablot ang fire extinguisher sa sulok at tinapat sa oven para patayin ang kung anuman ang nandun. Unti-unting nawala ang usok sa paligid at nakita ko kung gaano kalaking gulo ang meron ngayon. Basang-basa ang buong bahay, halos sira na ang ibang gamit (mukhang sirang-sira na) at wala kaming pagkain.
Saglit na tumahimik ang buong bahay. Nakatitig sila sakin at nakatitig din ako sakanila nang...
"GUTOM NA AKO!!!" Sabay-sabay nilang maktol na parang bata.
×××××××
"Wala ba talaga tayong makakain dito?" Nakangusong tanong ni Ella habang binubunot ang damo sa tabi niya at hinahagis sa kung saan.
BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.