CLAIRE
Nagising ako sa walang tigil na pag-vibrate ng cellphone ko at dahil dun, masama ang mood ko. Kung sinoman 'tong–ha? Si kuneho ang tumatawag? At pasado ala-una pa niya naisipan? Ayaw magpatulog? Sapakin ko na ba?
"Fu–"
"Wag mong itutuloy kung ayaw mong akyatin kita ngayon sa kwarto mo at gawin yang sasabihin mo sakin."
WTF?! Ano daw?!
"Anong sinabi mo?!"
"Shh. Lower down you voice, baka magising si Cloe."
"You know what, I hate you."
Asar kong bulong habang umaalis sa kama. Ano bang kailangan niya ng ganitong oras?
"You can't hate me if I tell you that I am waiting for you right outside your room window. Why don't you take a look?"
Agad akong lumapit sa bintana at mabilis kong natanaw si Nathan na nakatayo habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone niya malapit sa tenga. Siya ba 'to?
"Nakita mo na ako. Bakit di mo kunin ang jacket mo at samahan ako dito?"
"At bakit kita sasamahan ng ganitong oras? You ruined my beauty sleep."
"You don't need that. You are already beautiful and more. So please come down and be with me. Wag mo namang hayaang manigas ako dito. I need your hug. I need you..."
Nagbago ang boses niya sa huling sinabi niya at halos malaglag ang suot kong night gown. Kidding!
"Hmm...pilitin mo pa ako."
Umalis na ako sa pagkakasalip sa bintana at kumuha ng jacket.
"I have marshmallows."
And I'm sold.
"Papunta na ako."
×××××××
Walking along the seashore this early is torture. Sobrang lamig ng hangin. Parang karayom na tumatagos sa suot kong jacket. Buti na lang at may kasama akong human heater.
"Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?"
Tinutukoy niya yung pagyakap ko sakanyang sa likod habang naglalakad kami. Alam kong ang weird ng ginagawa ko pero malamig. I need to shield my body from peircing winds.
"Nope. Masaya ako sa ganito. Saan nga pala tayo pupunta?"
"Dito." At binati kami ng maiinit na hangin galing sa bonfire na naka-set-up sa di kalayuan. Inalis ko ang pagkaayakal ko sakanya at tumabi sa kaliwa niya.
"Plinano mo 'to?" Tanong ko habang naglalakad kami palapit sa bonfire.
"Yup." At humikab siya.
Nang makarating kami sa nakahigang malaking kahoy, may tumayong service staff na halatang inaantok. May inabot itong gamit kay Nathan at saka umalis.
"Sino 'yun at ano 'yan?"
Umupo si Nathan sa puno at ginaya ko siya.
"Richard, service staff who helped me. And this basket," at binuksan niya ito para ilabas ang laman. "Contains your marshmallows, few chocolates and crackers for smores and two blankets."

BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.