Bonus Chapter

18 4 0
                                        

SATURN

Pasado alas-dose na ng gabi at kasalukuyan akong naglalakad patungo sa convenient store dahil gusto ko ng donut. Pagdadamutan niyo ba ang isang tulad ko ng donut? Syempre hindi kaya nga tumakas ako para bilhan ang sarili ko.

Hindi naman kalayuan ang sinasabi kong convenient store dahil nakarating din agad ako. Katulad ng tipikal na hating-gabi, halos lima lang kaming tao sa loob – dalawang store staff, isang guwardiya, ako at isang babae na abala sa laptop.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagtungo kung saan ang malaking LED signage ng donut. Tinitigan ko ang available flavours nila at nang makapagdesisyon ako kung alin sa vanilla bavarian at coffee bavarian ang bilbilhin ko, kinuha ko ang tatlong choco bavarian at kulay asul na energy drink. Nang mabayaran ko ang mga binili ko, umupo ako sa isa sa mga lamesa na nakaharap sa may kalsada.

May ilang sasakyan ang dumadaan pero nakakabagot silang panuorin. Dinukot ko ang cellphone ko para makigamit ng wifi nila. Hindi siya ganun kalakasan siguro dahil sinakop nung babae na may laptop. Tungkol sa babaeng may laptop, may nakabalot na nga palang kumot sakanya. May balak siguro siyang mag-camping dito. Weird.

Habang abala ako sa pagkalikot ng cellphone ko, naisipan kong kuhaan ang view na nasa harap ko. Mga ilang shots din yun nang umikot ako sa pagkakaupo ko para pasimple din kuhaan ang convenient store pero hindi ko pa napipindot ang shutter button, nasa screen ko na ang imahe nung babae na natutukog at nakasubsob ang mukha niya sa lamesa. Hindi ko naiwasang mapangiti at mahinang matawa dahil nakanganga siya habang natutulog.

Cute siya. Hindi naman masama na kunan niya ng litrato? Isa lang naman. Tama, isa lang.

Bago ko siya kunan ng litrato, sinigurado ko na patay ang flash at shutter sound ng cellphone ko. Tinignan ko rin ang paligid ko kung may nakatingin sakin at tama nga ako dahil may malisya akong tinitignan nung nasa may cash register. Agad naman akong umayos ng upo at iniligpit ang binili ko. Nang ma-secure ko sa isang kamay ko ang pagkakabitbit ng inumin at donut, tumayo ako at nang akmang palabas na ako, slight kong ibinababa ang cellphone ko at click.

×××××××

Naglalakad na ako pauwi at hindi ko na pinigilan ang tawa ko habang pinagmamasdan ang larawan na nakuha ko kanina. Kahit blurred nakikita mo pa rin yung itsura. Buti nakakatulog siya sa public place. Kakaiba din siya.

Huminto ako sa paglalakad para i-zoom ang picture. Habang sinu-zoom ko, napansin ko ang salita na nakadikit sa itaas na parte ng laptop niya. Naputol ang nakasulat dahil sa angulo ng pagkakakuha. Inilapit ko pa ng kaunti at kahit medyo nag-pixelate na siya, na-decipher ko pa rin ang mga letra.

S-H-A-N-E

May ilang letra pa ang nakasunod pero hindi ko sigurado kung ano ang mga yun. Siguro pangalan niya.

Hindi na rin masama. At least may maitatawag na ako sakanya kung sakaling makita ko ulit siyang natutulog sa convenient store na yun.

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon