KIM
"Unlimited drinks are served!" Sigaw ko at sabay-sabay naming itinaas ang mga shot glass.
Yup, this is how we party. 'Wag kayo maingay sa boys.
"Mahaba-habang kwentuhan 'to." Sambit ni Kate na halatang may ibang ibig sabihin sa kwentuhan. Oh no, napag-usapan na namin ang tungkol sa mga dancers and we are not having any of it. We are here to drink and dance on our–natigilan ako sa pag-inom ng pangatlo kong shot dahil sa isang sobre na nakapatong sa may tray. Kinuha ko ito at binasa.
To Ate Kim,
We've got you a gift kahit hindi kami kasama sa party niyo (nakakatampo). I hope you all 'like' it. xoxo
From Irish, Louise, Sheene and Shea
Napangiti ako matapos kong mabasa ang sulat pero nasaan ang gift nila? Tinignan ko ulit ang sobre at may maliit na papel na naiwan sa loob.
"Ano 'yan?" Tanong ni Ella at sinilip niya ang papel na hawak ko.
"I don't know." Sagot ko habang tinitignan ang nakasulat sa maliit na papel. "Ang sabi nina Irish, regalo daw nila."
"Regalo nila ang isang phone number?" Sambit ni Marie na abalang kumakain ng pizza.
"Tawagan mo kaya." Suhestiyon ni Cloe na mukhang curious na din.
Katulad ng sinabi niya, tinawagan ko ang numero na nakasulat sa papel. Ilang ring lang ay may sumagot agad.
"Hello? Ate Kim?"
Pamilyar ang boses nito.
"Irish? Oh my, mali ata ako ng–"
"Wait lang! N-number ko nga dapat tatawagan mo...ano na? Ok na ba?"
"O...kay? What is happening Irish?"
"N-nothing! A-ano kamusta na ang party niyo? We just want to check...ha? Fifteen seconds na lang?"
"Irish? If this about your–"
"Yes! Sabi sayo nandun sila eh...asdfghjkl."
"Irish? Hello?"
"Padating na yung regalo namin for you."
"Padating? Paano? Hindi niyo nga–"
"Bye, ate Kim!"
Saktong pagpatay ng linya ay may kumatok sa pinto. Saglit kaming nagtingin ng mga girls bago tumayo si Claire at binuksan ito.
"Nandito po ba si Kim Jong Shin?" Tanong ng lalaking naka-uniporme ng pulis. Teka, bakit may pulis dito? At tatlo pa sila.
"Officer..." Akmang tututol sana si Claire nang abutan siya nito ng isang papel. Nanlaki ang mata niya at tinignan ako. OMG, bawal na ba ang maging maganda ngayon kaya huhulihin na nila ako?
"Kim Jong Shin?" Nasa harapan ko na yung pulis at in all fairness, may dating at well-built ang body.
"A-ako nga po. Ano pong kailangan niyo?" Yumuko ako ng kaunti dahil nakakahiya pag naamoy niya ang hininga ko. Baka arestuhin ako ng underage drinking dahil hindi ako mukhang nasa legal na edad. Babyface kasi.
"May ilan kaming mga katanungan sayo. Maari ka bang sumama at umupo doon?" At tinuro niya ang upuan na nakapuwesto sa gitnang unahan.
Alangan akong naglakad papunta sa sinabi niyang uupuan ko at nilingon ko ang mga girls na nag-aalala. Tinanguan ko sila at nginitian nang makaupo ako.
Napansin ko ang isang pulis na abala sa may sound system at ang isa naman ay nakatayo malapit sa pinto. Hindi ko alam pero may something sa mga 'to.
"Ahm..." Napakapit ako sa gilid ng inuupuan ko dahil hindi ma ako kumportable sa pananatili ng pulis sa harap ko. Parang may hinihintay siya.
"Ms. Kim Jong Shin..." Lumapit ang pulis at pinantayan ang mukha ko. "We've heard you were a very naughty girl." Ipinatong niya sakin ang suot niyang sumbrero at kinindatan ako. Sakto naman na napatili ang girls kasabay ng pagtugtog ng isang sexy slow song dahil ang dalawang pulis ay nasa harapan nila at nag-grind. Ganun din ang pulis na nasa harapan ko. Jusko! Ang floor baka mabuntis! Walang hiya! I am so not ready for this.
Hindi lang sila natapos sa pag-grind dahil tumayo sila at nagmacho dance habang unti-unting hinuhubad ang pang-itaas nila. Hindi na ako nakapagpigil at napatili na lang ako habang hawak-hawak ang pisngi ko at minsang pinapaypayan ang sarili dahil sobrang hot na dito. Saglit kong nilingon ang girls at mukhang nag-e-enjoy din sila dahil nagtatawanan at tilian sila.
Ahm, ito ba yung regalo nina Irish sakin? Kung ito man yun, we should keep it a secret.
"Body shot!" Sigaw ng pamangkin kong si Claire habang may hawak na mangkok ng asin at lemon.
Nagsitayuan sila at pinuntahan ako sa gitna. Nilagyan na ni Claire ng asin ang katawan ng tatlong lalaki habang may kagat silang lemon sa mga labi nila. Body shot kung body shot!
Lahat kami ay may mga hawak ng shot glass pero dahil ako ang ikakasal, ako ang nagsimula.
Alcohol is now ruling our body and we are just getting started. We just have one rule rolling out for tonight...
What you see and what you hear, leave it here.
BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.