Last Dance

17 4 0
                                        

EITHAN

Kakabalik ko lang mula sa buffet table nang agawin sakin ni babe ang kinuha kong red velvet cupcake. Iisa na nga lang naagaw pa. Hays.

"Akin yun eh." Nakasimangot kong sambit habang pinapanuod na kainin ni Marie ang cupcake. Hindi naman ako pwedeng makipag-away dahil baka relasyon namin ang manganib. Hayaan na natin ang alaala ng red velvet cupcake sa tiyan ni babe.

"Ngayon na lang ulit tayo nagkasama-sama. Ano pa lang balita sa party niyo?" Natigilan ako sa tanong ni Ella at nang lingunin ko ang ibang kasama namin sa lamesa nakita ko ang mga babae na nakatingin sakin at ang mga fafas ko naman ay pilit na umiwas sa tanong. Ayoko talaga ng ganitong kamustahan. Pinagpapawisan ang pwet ko.

"A-ano...ayos naman. Nasunod ang plano...niyo." At tinitigan ko ang ilaw na nakasabit sa itaas namin.

Sabay-sabay kong narinig ang kalmadong pag-'hmm' nila sa sinabi ko.

Ganun lang yun? Wala ng pangkorte na mga tanong?

Nangunot ang noo ko sa sobrang pagtataka sa naging reaksyon nila. At mukhang hindi lang ako nag-iisa. Napansin ko sa mga mukha ng mga kasama kong lalaki ang pagiging medyo iritable. Ilan samin ay nakakunot din ang noo at ang ilan naman ay pinagmamasadan ang ibang babae sa lamesa habang pasimpleng sinilip ang kanikanilang girlfriend.

"Kayo ba, anong nangyari sa party niyo?" Matapang na pagtatanong ni Miguel.

"Simple lang. Konting kwentuhan pagkatapos binigay namin ang mga regalo namin para kay Kim." Simpleng sagot ni Cloe habang abala siya sa paglalaro ng natirang icing sa plato niya.

Sabay-sabay ulit silang nag-'hmm' at sobrang nakakabahala yun...o masyado lang akong nag-iisip? Pero pakiramdam ko may di sila sinasabi.

Pasimple kong nilingon si Marie at abala pa rin siya sa pagkain ng cupcake. Tama, masyado lang akong nag-iisip.

"Hi, guys!"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng matinis na boses at bumangad samin si Kimmy na naglalakad papunta sa lamesa namin.

"Hey, Kim." Halos sabay-sabay naming bati sakanya.

"Mukhang tayo na lang ang naiwan sa gabing 'to kaya naman yung mga natirang pagkain sa buffet table ay pinaayos ko at ipinadala dito. Kailangan nating sulitin 'to bago kami lumipad para sa honeymoon." Ibinulong ni Kim ang huling parte ng sinabi niya at halos mabulunan ako sa hangin.

"Honeymoon? May balak pa kayong sundan si Saturn?" Gulat na tanong ni Kate.

Kahit naman ako nagulat. Mukhang hindi sila makukuntento kay Saturn. Nakakakilabot.

"Balak kasi ni Ivan na gumawa ng basketball team. Iba pa yung Team A sa Team B."

Nayanig ang mundo ko sa planong Team A at Team B ni Ivan. Kami ni Marie balak lang mag-ampon ng tuta. Ang mga batang 'to talaga.

"G-goodluck sainyo." Sambit ko habang nakatingin sa langit para humingi ng gabay sa itaas.

"Bakit hindi natin sulitin ang gabing ito para sa huling sayaw na magkakasama?" Suhestiyon ni Niel.

Sumangayon kaming lahat at ako na ang nag-volunteer para sa pagpili ng tugtog na sasayawin. Sa totoo lang planado na 'to. Saglit kong kinausap ang DJ tungkol sa kantang isasalang at nang masiguro ko na tama ang kanta, bumalik na ako sa table namin.

Habang papalapit ako, sinenyasan ko sina Miguel. Halos sabay-sabay silang tumayo para hingin ang permiso na isayaw ang kanikanilang kasintahan. Natawa at napangiti ang mga babae dahil sa nangyayari. Kilig is real.

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon