Bachelor's Party

23 5 0
                                        

IVAN

Ipapaalala niyo nga sakin na i-unfriend si Eithan pagkatapos nito at ipatantanda niyo rin na 'wag siya hayaang mag-organize ng kahit anong party, kahit birthday party pa 'yan.

"Ano nga ulit ginagawa natin dito?" Tanong ni Brix habang nagtatakang nakatingin sa imaheng nasa harapan niya.

"Magpa-party. Ahm, tama ba Eithan?" Sambit ni Niel na naguguluhan din.

Hindi sumagot si Eithan kundi tumango siya habang ngumingiti na parang psycho. Hay, naku. Suko na ako sa isang 'to.

"We are having a bachelor's party in here? Are you out of your mind, Eithan? This is place is not–" Natigilan si Nathan nang may lumapit sakanyang pirate mascot. Nagtitigan sila nito ng halos dalawang minuto bago umalis ang mascot. Ang weird nun.

"May problema ba sa hinanda kong party?" Tanong niya habang nakangiti ng malapad. Sa pagkakataon na 'to siya lang ang masaya.

"Sobrang dami." Sabay-sabay naming bulalas.

"Nasaan ang inuman?" Tanong ni Vince.

"Yung up beat na kanta?" Dagdag ni Troy.

"Nasaan ang party sa amusement park na 'to?" Impit kong sigaw dahil nakakahiya mapunta samin ang atensyon. Ivan, sikat na drummer ng banda, 'di ba?

"Alam kong hindi 'to ang inaasahan niyong bachelor's party dahil walang..." Umarte siya ng umiinom. "At walang..." At umarte siya ng sumasayaw. "Pero maniwala kayo, sinubukan ko. Sadyang mapapahamak ang buhay ko pag ginawa ko 'yun. Alam niyo bang hinanda na nila ang paglilibingan ko pag dinala ko kayo sa...you know. Tignan niyo pati yung word na yun bawal ko na rin sabihin."

"Ang ibig mo bang sabihin na 'nila' ay ang mga girlfriend natin?" Tanong ni Miguel at mabilis na tinanguan ni Eithan.

"Akala kasi nila na stag party ang–"

"Stag party? May plano kang umarkela ng–" —Troy

"Hindi sa ganun. Ano lang...minsan na maging binata si Ivan kaya..." Humuko si Eithan at umiwas na salubungin ang mga tingin namin.

"So that's why we are stuck in this boring amusement park." Walang buhay na saad ni Nathan.

Mukhang ganun na nga at sabay-sbay kaming bumuntong hininga.

"Guys, hindi 'to magiging boring." Napalingon kami kay Eithan na nakangiti ulit na parang psycho. Mukhang hindi ko gusto ang plano niya. Mas mabuti pang umuwi na lang kami.

"Teka, may mas maganda akong plano..." Nanginginig ang boses ko dahil sa kaba. Masama ang pakiramdam ko sa isang 'to. "Kung–" umuwi na lang tayo.

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may malambot na tumakip sa bibig at ilong ko. Manlalaban sana ako nang makaramdam ako ng pagkahilo at panlalabo ng paningin hanggang sa wala na akong makita.

×××××××

Nagising ako dahil sa ingay ng mga bakal na nagla-lock. Hindi ko alam pero agad akong nagising at akmang tatayo ako nang makaramdam ako ng bagay na nakaharang sa may dibdib ko. Ano 'to?

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sina Nathan at Niel sa unahan na kakagising lang din katulad ko. Akmang tatawagin ko sila nang mapansin ko ang katabi kong si Miguel na inaasikaso ng pirate mascot. Mayamaya lang ay nagising na din siya.

"Sht...anong nangyari?" Papikit-pikit niyang tanong habang nililibot din ang tingin.

"Hindi ko alam." Mabilis kong nakita si Eithan na nilapitan ng pirate mascot na umasikaso kanina kay Miguel. Hindi din nagtagal ay napansin niya kami at agad na nilapitan.

"Anong nangyari at nasaan tayo...?" Napatingin ako sa malaking signage sa likod ni Eithan at nagtaka. "Ano ang extreme?"

"Woah. Napansin mo din kung nasaan tayo. Alam mo na..." Umarte siya ng alon gamit ang kamay niya. "Roller coaster."

Roller coaster? Napatingin ako sa kinalalagyan namin at napanganga ako. Isang ride ang extreme? Isang roller coaster ride kung saan nakaupo ka habang ang paa mo ay nakabitin lang sa ere. Safe ba 'to?

Bago pa ako makapagreklamo, narinig na ko ang pag-start ng buong ride.

"Oh sht!" Napahawak ako sa safety bars at pumikit ng todo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. First time ko sa...

"AHH!!! MAMATAY NA AKO!!!"

Hindi ako sumigaw. Sus. Duwag lang gumawa nun...

Oo na, ako na yung sumigaw. Hindi sa takot ako sa pagpapaikot-ikot namin sa ere at sa nakakalula ang taas, ano lang...ano...basta. Hindi ko kailangang mag-explain. Nasa ride pa rin kami! Waa! Mahal ko pa ang buhay ko!

×××××××

Halos tatlong minuto lang ang ride at 'yun na ata ang pinakanakakatakot na talong minuto ng buhay ko. Hindi ko na gustong ulitin pa ito. Ipapasara ko 'tong ride na 'to. Walang masaya dito. Nanlalambot ang tuhod ko. Gusto ko ng umuwi.

"Handa na ba kayo sa susunod nating pupuntahan?" Tanong ni Eithan na mukhang nag-enjoy sa death ride.

"Hindi. Uuwi na...h-hoy! Bakit mo ako hinahawakan?" Kakatayo ko lang mula sa pagkakaupo ko nang lapitan ako ng pirate mascot. Inalalayan din si Miguel ng PM dahil kakagaling lang niya sa pagsuka. Halos lahat kami ay may kanya-kanyang PM na umaalalay dahil shooked kami sa mga nangyari.

"S-saan tayo pupunta?" Nagawang magtanong ni Vince kahit tulala siya matapos bumaba ng ride.

"Sa orbiter." Tipid na sagot ni Eithan habang kumakain ng popcorn.

'Wag kayong mag-alala, inalok niya kami ng popcorn sadyang nawalan lang kami ng ganang kumain.

"Ano ang..." Magtatanong pa sana ako kung ano ang orbiter nang makita ko gamit ang dalawang mata ko ang sinasabi niyang ride.

Sinusumpa ko na si Eithan, ang mga pirate mascot at ang amusement park na 'to.

O, diyos ko. Sana makauwi kaming buhay para sa kasal ko.

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon