ELLA
Nakaupo kami sa nakalatag na kumot dito sa ilalim ng puno. We are having an outdoor bond dahil gusto ni baby Saturn ma-experience ang picnic. Nakayanan lang namin ang garden dahil hindi kami pwedeng pumunta ng park. Pag ginawa namin yun tiyak na pagkakaguluhan sina Ivan at Niel.
"Nandito na kami!!!" Napalingon kami sa direksyon kung saan galing ang ingay. Agad na tumambad samin si Eithan na tumatakbo na may hawak na gitara at si Troy na naglalakad na may dala ring gitara. Mabilis kong inalis ang mga mata ko sakanila at kumain na lang ulit.
"Tara kantahan na tayo!" Masiglang sambit ni Eithan pagkaupo na pagkaupo niya. Tinabihan na rin naman siya ni Troy at tinono ang kanyang gitara.
"Nga pala Ella kamusta yung date niyo ni Joseph? Ok ba yung co-model ni Vince?" Halos lumabas sa ilong ko yung juice na ininom ko sa tanong ni Marie. Like seriously? Sa harap pa ng boys namin pag-uusapan yung nangyari sa date namin? Mas lalo na sa harap ni Troy!
"A-ano..." Sumulyap ako kay Troy kung nakikinig ba siya sa usapan namin pero mukhang hindi dahil patuloy pa rin siya sa pagtono ng gitara niya. Hays. Bakit di ka affected? Galit ka parin ba? Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko at yumuko.
"Mommy who's Joseph? Is he the guy I saw last Monday?" Tanong ni Saturn na nakakalong kay Kim. Bakit ba chismoso ng bata na 'to?
"Opo anak. He is the handsome guy who gave you a box of chocolate." Sagot ni Kim.
Bakit ba si Joseph ang topic ngayon? Kawawa naman yung tao baka nabilaukan na.
"Ah. Tita Ella, is he your boyfriend?"
"H-ha? N-naku hi-" Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang biglang nag-strum ng sobrang lakas si Troy.
"Woah! Easy lang. Mukhang G na G tayo ah?" Komento ni Ivan na may dalang plato ng barbeque.
"Oo nga eh. Galit na galit dahil siguro sa...hahahahaha!" Sumabay na ang lahat sa tawa ni Niel dahil nag-joke siya? Hindi ko alam. Hindi ko nga na-gets yung sinabi niya eh. Weird.
"Anong tutugtugin namin? Suggest naman dyan." Sambit ni Eithan habang kumakapa ng chords.
"Yung alam mong kanta na muna. Mag-iisip muna kami." Tugon ni Kate na abalang pakain si Miguel. Ang sweet nila. Simula nung pool scene nila hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Grabe! Kakilig sila!
Nakuha ang atensyon ko sa strumming na ginawa ni Eithan. Nakayuko lang siya habang tinutugtog ang intro nung kanta. Agad kong tinignan si Marie na pinapanuod rin si Eithan. Naalala ko nitong mga nakaraang araw medyo naging ilag yung dalawa sa isa't-isa. Akala ko normal lang pero napansin na rin nina Nathan yung hindi pagpapansinan ng dalawa. Sinubukan namin silang kausapin pero umiiwas sila. May problema ba ang #marieithan loveteam? (Say Something by A Great Big World)
Say something, I'm giving up on you
I'll be the one if you want me to
Anywhere I would've followed you
Say something, I'm giving up on youAng lungkot ng boses ni Eithan nang kantahin niya yung unang verse. Para akong nanlamig nang makita kong seryoso siya. Hindi ako sanay dahil madalas na makulit at masigla siya. Ano ba 'to. Dapat pala bahay kubo na lang ang pinatugtog namin.
And I... am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all
And I... will stumble and fall
I'm still learning to love
Just starting to crawlSinilip ko si Marie kung anong reaksyon niya at mukhang wala lang sakanya. Straight face at emotionless. Bakit ganun? Akala ko ba baby bunch chapter 'to? Bakit sina Eithan at Marie ang may moment? What is happening?

BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.