SHEA
Pasipa kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Karl dahilan para magulat siya at di-sinasadyang maihagis sa ere ang hawak niyang mga papel at libro.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Ani ni Karl habang pinupulot ang mga kumalat na papel.
"Marunong pero kasi dala ko ang laptop ko." Sambit ko habang naglalakad palapit sa study table niya.
"Bakit ka ba nandito?"
"Grabe namang tanong yan. Parang ayaw mong makasama si pretty Shea." Pag-iinarte ko habang inilalapag ang laptop ko. "Makikigamit lang naman sana ako ng printer."
"Ha? Bakit sakin? May sarili kang printer di ba?"
"Yeah...ano kasi..." Nilingon ko si Karl at kasalukuyan siyang naka-facepalm. "Nasira na lang bigla."
"Hays. Sige na nga." Lumipat siya sakin at tinignan ang file na ipi-print ko. "Ilang pages ba 'to? Ako ng bahalang mag-print. Maghin-"
"Marunong akong gumamit ng printer kaya no worries. Ituloy mo na lang yung ginagawa mo kanina. Ako ng-" Nagulat ako ng nasa tabi ko na siya at hawak ang kamay ko na akmang kukuha ng dagdag na bondpaper para sa printer.
"Ako ng bahalang mag-print, Shea. Ayos lang, mabilis lang naman eh."
Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak sakin ni Karl at nilagpasan siya para lapitan ang laptop ko. Bakit ba ako sinusundan nito? Parang ayaw akong pahawakin ng kahit ano sa kwarto niya. Akala mo masisira ko agad.
"Ano ka ba, kaya ko na 'to." Akmang io-on ko na yung printer ng bigla na lang niyang hinablot ang kamay ko at inilayo sa switch ng printer.
"Easy ka lang, Karl. Hindi naman-"
Natigilan ako nang bigla na lang akong harapin ni Karl. Bakas sa paghinga niya ang kaba at pag-aalala. Hindi ko alam kung sakin siya kinabahan o sa printer. Medyo nakakalito kasi.
"Y-yung..." Gusto ko sanang higitin ang kamay ko mula sakanya pero hindi ko magawa lalo na't nakapatong ito sa dibdib niya at ramdam ko ang bilis ng tibok puso niya. Para siyang tumakbo ng isang kilometro.
"Pakiingatan mo naman..."
Ha? Alin daw ang iingatan ko? Ang printer ba o ang puso niya?

BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.