NIEL
Nang magising ako sobrang tahimik ng buong paligid. Wala naman dapat ikaalarma sa ganitong sitwasyon pero wala sa tabi ko si Cloe. Kaya dapat na akong kabahan.
Agad akong bumangon sa kama at bumaba. Bawat hakbang na ginagawa ko, lalong kumakabog ang dibdib ko. Langya, ano bang nangyayari dito? Nasaan na ba ang mga tao?
Sakto naman at nakita ko sina Eithan, Miguel at Ivan na nasa sala at di sila gumagalaw sa pagkakaupo. Teka, sila nga ba 'to?
"Mga pre..."
Halos matumba ako sa gulat nang humarap sila sa direksyon ko. Bakit nakamaskara sila? At bakit si Piolo Pascual ang picture? Sinakop na ba kami ng alien habang tulog ako?
"Pu-" akmang pabitaw na ako ng mura nang may naramdaman akong malakas na pwersa na tumama sa likuran ng ulo ko.
Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata nina Eithan habang nagmamadaling lapitan ako pero biglang nag-slowmo ang lahat nang lingunin ko ang pinaggalingan ng tumama sakin. Mga half-inch na lang para makita ko ang nangyari, nakaramdam ako nang pagkahilo at panlalabo ng paningin. Bago ako tuluyang bumagsak, may narinig akong sigaw mula sa di kalayuan.
"Nandyan na yung buntis!"
×××××××
Nagising ako dahil sa malamig na nakapatong sa may likod ng leeg ko. Kinapa ko ito habang idinidilat ang mga mata ko. Shit, ang sakit. Ano bang nangyari?
Napalingon ako sa kaliwa ko nang maramdaman ko ang pag-alalay sakin at bumungad sakin ang mukha ni Piolo Pascual. Imbis na suntukin ang katabi kong alien, dun ko na naintindihan ang lahat.
Agad kong hinanap si Cloe at di na ako nahirapan dahil nasa harap ko lang siya habang may yakap na malaking mangkok ng mac and cheese.
"Gising ka na. Ano buhay ka pa?" Tanong niya habang puno ng pagkain ang bibig niya.
Walang emosyon ko siyang tinitigan at tumangotango lang siya na akala mo may sinasabi ako. Cloe talaga. Paano kung di ako nagising dahil sa binato niya?
"Ano yung binato mo sakin?" Tanomg ko habang hinihimas ang leeg ko.
"Hm? Lapis lang naman." Tipid niyang sagot. Napatingin naman ako sa lapis na nakapatong sa lamesa. "Tama, yan nga ang binato ko sayo."
Lapis? Lapis ang muntikang makapatay sakin? Ilalayo ko na kay Cloe ang lahat ng lapis. Baka gawin na namang shuriken sakin.
"Brad, kailangan mong suotin 'to." At inabutan ako ni Miguel ng maskara na Piolo Pascual.
Susuotin ko 'to? Bakit? Ito ba ngayon ang pinaglilihian ni Cloe?
"Kailangan talaga?" Tanong ko at tinanguan ako ni Cloe.
Dahil ayoko ulit ma-shuriken ng lapis, isinuot ko ang maskara at nakatanggap ako ng tawa mula kay Cloe. Hindi lang simpleng tawa yung ginawa niya, hagalpak pa nga.
"Anong oras na ba? Nagugutom na ako." Sambit ko at tumayo para magtungo sa kusina.
"Ala-una na ng hapon." Sagot ni Cloe.
"Limang oras akong tulog?"
"Akalain mo yun, marunong ka na Math. Congrats! Sana mamana yan ng baby natin no?"
BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.