KATE
Abala ako sa pagpupunas ng lamesa dahil kakatapos lang naming kumain ng agahan nang marinig ko ang doorbell na tumunog.
"Sandali lang papunta na." Inaayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko habang naglalakad at slight na tumakbo papunta sa gate.
"Hi good morning." Masaya kong bati nang buksan ko ang gate pero napasalubong ang kilay ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Uhm...hi! Si Miguel?" Sambit niya sabay tanggal ng suot niyang shades. Medyo napaatras ako nang makita ko ng buo ang mukha niya dahil sobrang ganda niya. As in. Pag sinabi kong sobra, lamang pa kay Eithan ang pagiging sopistikada.
Napatingala tuloy ako ng wala sa oras at hinanap ang bagay o spaceship na pwedeng nagbaba sakanya dito. Ano bang sinakyan niya? May kapatid kaya siyang lalaki?
"Miss? Anong hinahanap mo?" Sinabayan na niya akong tumingala at maghanap sa langit. Napalingon tuloy ako sakanya dahil medyo naglapit ang mukha namin at humaygad! Walang kapekas-pekas ang mukha niya. Parang nahiya ata ang pimples na tumira o umusbong man lang. Sino ba 'tong katabi ko? Prinsesa ba siya? Alien from the other galaxy? Why so perfect?
Patuloy lang ako sa pagtitig sa babaeng kaharap ko habang siya ay nakatingila pa rin sa langit (may pagkasinto-sinto rin siya ah).
"Casey?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita kaya agad akong bumalik sa pagtingala at kunwaring naghanap ng kung anuman ang hinahanap ko kanina.
Pasimple akong lumingon at nakita ko si Miguel na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin nang bigla siyang ngumiti at tinaasan ako ng kilay. Binelatan ko naman siya sabay irap bilang ganti. Ano siya lang pwede magtaray at mang-asar? No way. Kaya ko rin kaya. Ble!
"Miguel, there you are!" Napaatras ako nang biglang tumama ang box ng pizza sa katawan ko nang tumakbo siya palapit kay Miguel sabay yinakap ito.
Sinundan ko ng naniningkit kong mga mata ang babae na si Casey at si Miguel habang naglalakad sila papasok ng bahay.
Grabe. Hindi man lang pinansin ang presensya ko. Katulong ba ako dito? Nanadya ba 'tong si Miguel? Naku, Ramos! Magsama kayo ng babae mo!
×××××××
"Mamatay ka na, mamatay ka na, mamahalin pa-"
"Kawawa naman yung repolyo."
Napahinto ako sa paghihiwa ng repolyo nang maramdaman ko na may tumabi sakin. Nilingon ko siya at mas lalo akong naasar nang makita ko ang pagmumukha ni Eithan.
"Naawa ka? Gusto mo ikaw pumalit sa repolyo?" Nakatitig lang ako sakanya habang ramdam ko na may lumalabas na itim na aura sa paligid ko. Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin at paglunok niya ng laway.
"I-ito naman. Wag mo naman kasing seryosohin ang sinabi ko. Sige lang, tadtarin mo lang 'yang repolyo hanggang maging durog at pinong paminta na yan." At kabadong umatras si Eithan habang nakahawak sa gilid ng lababo.
"Tss. Hindi ko naman sineseryoso lahat ng sinasabi niya." Bumalik ako sa maayos at walang hinanakit na paghihiwa ng repolyo.
"Teka, ako ba o yung repolyo yung topic natin?" Tanong niya habang nagbabalat ng dalandan.
"Syempre si Miguel ang topic natin." Madiin kong sambit sabay taga ng kutsilyong hawak ko sa chopping board.
"Woah! Easy. Chill." Sabi niya sabay subo ng dalandan. Napangiwi siya dahil sa asim nang nakain niya.
"Chill? Magchichill lang ako pag kay Ramos ko naitaga 'tong kutsilyo na 'to." Sabi ko habang winawagayway ang hawak kong kutsilyo. Bakas sa mukha ni Eithan ang kaba nang maituro ko sakanya ang hawak ko. Nakakaasar. Magkamukha kasi sila ni Miguel ng very light. Ugh!
BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.