RENZ
Kasalukuyan akong naglalakad sa mall habang may nakasabit na koala sa braso ko. Kanina pa siya nandyan at wala akong paki. Mas kailangan kong makuha ang sapatos kesa sayangin ang oras ko na alisin ang kapit niyang parang tuko.
"Kanina pa tayo naglalakad. Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong nung koala na nakasabit sa braso ko at ang binti niya ay nakapulupot sa binti ko.
"Napagod ka? Nahiya naman ako." Sambit ko at nakita ko na rin ang shop na binilhan ko ng sapatos.
Nang pumasok ako, tinitigan nung saleslady ang babaeng kanina pa nakasabit sa braso ko. Tumikhim ako at inalog ang braso ko kung saan nakasabit pa rin si Irish. Mukhang naramdaman niya dahil tumayo na siya ng maayos.
"Mr. Villanueva?" Nilingon ko ang babaeng nasa likod ng cash register at lumapit sakanya. Tipid ko siyang nginitian.
Mayamaya lang may narinig akong bumubulong sa tabi ko. Agad namang bumaba ang tingin ko sa dwendeng kasama ko.
"Tinawag ka lang ng Mr. Villanueva, nginitian mo na. Ako 'tong-"
"Ayan na naman siya." Tinakpan ko ang tenga ko at lumayo sakanya pero agad naman siyang lumapit sakin. Wala pang ilang segundo, bumulong na naman siya. Yun nga lang di ko na maintindihan. Siguro sinisimulan na niya ang ritwal sa pangkukulam.
"Mr. Villanueva, you can now fit your shoes. Follow me."
Katulad nang sinabi nung saleslady sinundan ko siya pero natigilan ako dahil sa paghila sa laylayan ng suot kong shirt.
"Paano ako?" Nakanguso niyang tanong.
"Dito. Saglit lang naman ako. Wag kang mag-alala, babalik akong hindi buntis. Happy? Ge na."
Buong lakas kong inalis ang pagkakahawak sakin ni Irish at nagtagumpay ako kahit na lumuwag ang shirt ko.
Pagkapasok ko sa isang kwarto na katulad lang din ng sa labas na may pabilog na upuan sa gitna. Umupo ako dito at sakto namang pumasok ang isang babae. Nung una alangan siya pero nang may binulong sakanya yung babae kanina sa labas, saka siya awkward na lumapit sakin.
Ngayon lang ba 'to natutong maglakad? Parang matatalisod pa ata- shit.
Tatlong hakbang mula sakin, bigla na lang nadapa ang babaeng may dala ng kahon. Tumilapon ang hawak niya sa sahig at siya naman ay halos nasa pagitan na ng binti ko. Wala sa oras akong napadasal na wag sanang makita ni-
"Anong nangyari? Renz? Ayos ka lang-ha? Anong bawal?! Pupuntahan ko si Renz! Renz! Nasaan ka?! Wag mo akong hawakan! Jusko! Renz! Ano ba! Girlfriend niya...WHAT THE?!"
Agad na tumambad si Irish sa may pinto. Hindi na ako nagulat dahil narinig ko na ang boses niya isang kilometro pa lang ang layo. Imbis na apulahin ang apoy sa mga mata ni Irish, mas pinansin ko pa ang binili kong mga sapatos. Agad ko itong pinulot at ipinasok sa kahon.
Paharap pa lang ako nang may maramdaman akong mahigpit na pagkakahawak sa pulso ko at isang malakas na paghila palabas.
Bakas sa mga mukha nung mga sales lady ang gulat, takot at pagtataka. Dahil dun alangan silang nagpasalamat at nagpaalam.
Hays. Ang buhay parang life.
×××××××
Naglalakad kami ngayon ni Irish papunta sa parking lot at hindi ko maiwasang hindi sabihin 'to...ang cute niya.
Kanina pa kasi siya nakasukbit sa may braso ko at kanina pa siya nakanguso. Sa tuwing may mapapalingon sakin o sakanya, halos lamunin na niya. Para kasing aso na mangangagat. Ang cute talaga. Para siyang corgi na masyadong bayolente. Hindi mo gets? Ayos lang yan, hindi ko din gets.
Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pagluwag at pag-alis ng pagkakahawak niya sa brasoko. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa sahig.
"May nalimutan ka ba?" Tanong ko at humarap sakanya.
Umiling siya bilang sagot.
"May gusto ka pang puntahan? Tara na sa kotse para hindi tayo-"
"Mauna ka na. Ano...magtataxi na lang ako."
Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi dahil magkakaroon ako ng tahimik na biyahe pauwi, kundi dahil alam kong nahihiya siya sa nangyari kanina.
"S-sige na. Bye-"
Hindi ko na siya pinatapos. Hinila ko siya palapit sakin at mahina siyang tumama sa dibdib ko.
"Renz?"
Ipinikit ko ang mga mata ko at yinakap siya.
"A-ayos ka lang ba?" Medyo itinulak niya ako para maiangat niya ang ulo niya pero para sakin, pagkakataon ko yun para halikan siya.
BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanficFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.